Sa naging pagdiriwang ng Seafarers Anniversary nitong June 25 sa Intramuros, Manila ay personal na pinuri ni Senator “Bong” Go ang ‘di matatawarang ambag ng Filipino seafarers sa economic development ng ating bansa.
“Happy anniversary po sa inyo sa lahat ng ating marino, sa inyong pagdiriwang po ng 11th anniversary ng Day of the Seafarers. Sa lahat po ng mga seafarers, ipaglalaban ko po kayo. Kami ni Pangulong (Rodrigo) Duterte, handa po kaming magserbisyo sa inyo sa abot ng aming makakaya….that is why the Duterte Administration, through the Maritime Industry Authority under the Department of Transportation, has been working hard to provide concrete plans of action to ensure that you are looked after in these difficult and challenging times,” pahayag ni Go.
Si Go ay labis na nag-aalala sa seguridad ng mahigit sa 10 milyong overseas Filipinos kabilang na ang seafarers at ng kanilang mga pamilya lalo ngayong panahon ng pandemya at sa pagharap sa iba’t ibang krisis na nararanasan ngayon sa buong mundo.
“Higit kumulang sampung porsyento ng ating populasyon ang nasa abroad. Mahirap po mawalay sa sariling bayan para lang buhayin ang pamilya at mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang inyong mga anak. Bilang mambabatas, gagawin ko ang lahat upang maipaglaban ang inyong kapakanan,” pagdidiin ni Go.
Sa ngayon ay pinupursige ni Go ang agarang pagpasa sa Senate Bill No. 2234 na naglalayong maitatag ang Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos. Ang panuntunan nito ay sinertipikahan ni President Rodrigo Duterte bilang urgent na co-sponsored ni Go sa Senado
Ang panukalang departamento ay magiging pangunahing mandato para sa formulation, recommend at implement national policies, plans, programs and guidelines na poprotekta sa overseas Filipinos kabilang na ang OFWs gayundin ang kampanya sa kanilang pangangailangan at maresolba ang mga napapanahong isyu sa epektibong pamamaraan.
Ang DMWOF ang magiging responsable para sa pagbibigay ng mga relevant social at welfare services kasama na ang insurance, social work assistance at legal assistance. Magkakaloob din ito ng asiste sa National services lalong lalo na sa panahon ng national emergencies tulad ng pandemic o giyera.
“Isipin niyo more than ten million Filipinos po ang overseas Filipinos, OFWs na wala man lang sariling departamentong nakatutok sa kanila. Kaya kahit saan po nananawagan, sa Facebook, minsan po sa radyo humihingi ng tulong. Ngayon, kung mayroon ng departamentong nakatutok sa kanila, iisa na lang po ang lalapitan nila, nakatutok (na) secretary-level down to regional offices ‘yung nasa malayo sa ating bansa. Hindi na po sila kailangang pumunta sa Maynila — sa iba’t ibang ahensya — dahil mayroon na ho silang departamento,” pagpapaliwanag ni Go..
“Sabi ko po, huwag nating ipagkait sa Pilipino kung ano po ‘yung nararapat sa kanila, lalong-lalo na sa ating OFWs, seafarers — overseas Filipinos. Itinuturing nga natin silang mga bagong bayani, so bigyan natin sila ng departamentong nakatutok po sa kanila,” dugtong pa ni Go.
Inihayag din ni Go sa seafarers na habang inaantay ang pagtatatag ng DMWOF ay handa umano ang kaniyang opisina na pakinggan at asistehan ang kanilang mga pangangailangan. Tiniyak din nito na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng pamamaraan para maipagkaloob ang mga serbisyo upang maseguro ang kanilang kapakanan sa panahon ng mga pagsubok.
Bilang Chairman sa Senate Committee on Health ay nagpahayag ng pag-alala si Go sa mga Filipino na atubili pa ring magpabakuna. Bunsod nito ay umapela si Go sa seafarers na makibahagi sa vaccination program dahil ito ang magpoprotekta laban sa COVID-19 at mapahintulutan ang mga itong makapagpatuloy sa kanilang kabuhayan.
“Magpabakuna ho kayo, huwag ho kayong matakot sa bakuna. Ang bakuna po ang solusyon o susi para makabalik tayo sa ating normal na pamumuhay kung saan mayakap natin ang ating kapwa Pilipino,” saad ni Go.
Ang rekomendasyon ni Go na ang seafarers ay ibilang sa A4 priority list ng COVID-19 vaccination rollout ay inaprubahan ni Pres. Duterte gayundin ang alokasyon sa specific brands ng bakuna para sa OFWs na ikinokonsiderang “acceptable” sa mga bansang kanilang paroroonan.
Nag-alok din ng karagdagang asiste at medical concerns na tinagubilinan ni Go ang seafarers na maaari silang magtungo saanman sa 121 Malasakit Centers sa buong bansa para sa kanilang hospital at medical expenses.
Sa ganap na pagtulong sa paghihikahos ng migrant workers, ang Department of Labor and Employment at ang Department of Agriculture ay pinalawig ang alternative livelihood assistance sa mga kuwalipikadong seafarer beneficiaries. Ang DOLE ay magbibigay ng puhunan sa mga benepisaryo at ang DA naman ay magkakaloob ng micro-agribusiness tulad ng vegetable o fruit stand, rice mill, coconut juice kiosk at maraming iba pa.
Sa naturang araw ding iyon ay tinungo ni Go at sinaksihan ang vaccination rollout ng seafarers at namahagi rin ang grupo nito ng karagdagang ayuda sa 550 identified benefiaciries. Pinasalamatan din nito at kinilala ang pagganap ng MARINA at iba pang kinauukulang mga ahensiya sa pagsusulong sa kapakanan ng seafarers at sa iba pang kaukulang mga sektor.
“Sa inyong administrator na si Sir Bob Empedrad, salamat sa inyong trabaho. Sabi nga niya kanina, marami raw siyang reforms na ginawa rito,” pahayag ni Go habang pinasasalamatan ang iba pang mga opisyal sa kawalang-pagod ng mga ito sa pagseserbisyo.
“Sa mga seafarers, naiintindihan ko po ang trabaho ninyo, hindi po nababayaran ang lungkot. Sa totoo lang po, mas nanaisin niyong dito na lang sa ating bansa kaysa mapalayo sa pamilya, malayo iniisip niyo. Pero kailangan niyo pong magtrabaho kaya pakiusap ko po sa inyo — sa mga seafarers — nandidiyan lang po ginagawa ng gobyerno ang lahat lalo na sa pagpapabakuna,” pagpupunto ni Go.
The post SEAFARERS IPAGLALABAN NI GO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: