Facebook

Trabahador na pinasueldo ng puro barya hahanapan ng trabaho ng LGU

BIBIGYAN ng trabaho ng Valenzuela City local government ang factory worker na sinuwelduhan ng mga sentimong barya ng kaniyang dating kompanya.

Sinabi ng alkaldeng si Rex Gatchalian na marami namang maayos na employer sa lungsod, kaya tiyak na may paglilipatan ang factory worker na si Russel Mañoza.

“Handa na kaming i-deploy siya ulit sa mas maayos at mas reputable na pabrika dito sa Valenzuela City, kasi marami namang naghahanap ng mga operator ng machine katulad ni Russel na may skills,” ani Gatchalian.

Sinuspinde na ng lokal na pamahalaan ang operasyon ng Nexgreen Enterprises, ang kompanyang inireklamo ni Mañoza.

Sinabi ng lokal na pamahalaan na may paglabag sa labor practices ang kompanya kabilang ang hindi pagbabayad ng overtime, night differential at holiday pay.

May paglabag din sa Civil Code Law ang kompanya kabilang ang mayor’s permit at hindi pagbabayad ng buwis.

Wala rin aniyang coverage ang mga empleyado sa Social Security System, Pag-Ibig at PhilHealth at iba pa. Isasara ang kompanya ng 15 araw hanggang sa makakuha ng lisensiya.

Ayon kay Gatchalian, dagling ipadadala ang ‘notice of suspension’ sa Nexgreen at patuloy na makikipag-ugnayan sa DOLE para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Ayon kay Mañosa, ibinigay ng Nexgreen Enterprise ang dalawang araw niyang sweldo na puro 5 at 10 sentimong barya na nagkakahalaga ng P1,056.

The post Trabahador na pinasueldo ng puro barya hahanapan ng trabaho ng LGU appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Trabahador na pinasueldo ng puro barya hahanapan ng trabaho ng LGU Trabahador na pinasueldo ng puro barya hahanapan ng trabaho ng LGU Reviewed by misfitgympal on Hunyo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.