Facebook

Droga sa cup noodles at tinapay naharang sa kulungan

IBA, ZAMBALES – Nabu-king ng jailguards ang pagpuslit sana ng iligal na droga ng isang tricycle driver sa pa-mamagitan ng cup noodles at tinapay sa loob ng Zambales Provincial Jail nitong Martes.

Kinilala ang naaresto na si Joseph Caldejon, 37 anyos, tricycle driver, ng Barangay San Agustin, Iba.

Ayon sa jail guards, ipinaabot ni Caldejon ang cup noodles at tinapay sa dalawang bilanggo na sasalubong dito.

Nang busisiin ng guards, natuklasan ang mga nakapalaman na droga sa loob ng cup noodles at tinapay na nasa 11 gramo at nagkakahakaga ng P60,000.

Nagkunwari namang may tinatawagan sa cellphone ang trike driver at sabay pinaharurot ang triycle papalayo sa lugar.

Nasakote ng grupo ng Provincial Drug Enforcement Unit ang trike driver sa paradahan ng tricycle sa Barangay Amungan.

The post Droga sa cup noodles at tinapay naharang sa kulungan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Droga sa cup noodles at tinapay naharang sa kulungan Droga sa cup noodles at tinapay naharang sa kulungan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.