Facebook

Pekeng AFP Major huli sa kotong sa mga nagsusundalo

ARESTADO ang isang babae na nagpangap na Major ng Armed Forces of the Philippine na nangongotong sa mga aplikante sa pagkasundalo sa entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group sa Taguig City.

Kinilaa ang dinakip na si Cassandra Stephanie Galvez alias “Major Maria Christina Galvez.”

Ayon kay Major General Albert Ignatius D. Ferro, direktor ng CIDG, 9:45 ng umaga nang magsagawa ng entrapment operation ang pinagsanib na mga elemento ng CIDG, 15th Army Intelligence Battalion, at Army Intelligence Regiment sa Purok 1, New Lower Bicutan, Taguig City.

Sa report, nagpapakilala si Galvez bilang Army Major na authorized recruitment officer sa mga aplikante na nagnanais makapasok bilang sundalo. Naniningil ito ng malaking halaga sa isang aplikante sa pangakong mabilis na pagproseso ng mga papeles.

Naaresto si Galvez habang nakasuot pa ng AFP uniform na may rank ng Major Insignia nang tanggaping ang P40,000.00 mula sa agent na nagpanggap na aplikante.

Nabawi kay Galvez ang mark money at nakumpiska ang 1 set ng Army GOA uniform na may Major Rank Galvez, 1 set ng AFP Pixelized uniform na may Major Rank Galvez, 2 AFP Identification Cards na Maj Maria Christina Galvez, iba’t ibang Identification Cards, 4 Land bank ATM cards; 3 cellular phones at 1 box ng bala ng cal 45.

Dinala si Galvez sa CIDG Quezon City District Field Unit at sasampahan ng kasong Robbery/Extortion, paglabag sa RA 8484; RA 10591, Article 177 ng RPC; at Estafa. (Mark Obleada)

The post Pekeng AFP Major huli sa kotong sa mga nagsusundalo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pekeng AFP Major huli sa kotong sa mga nagsusundalo Pekeng AFP Major huli sa kotong sa mga nagsusundalo Reviewed by misfitgympal on Hunyo 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.