Facebook

Gilas simula ng mag-ensayo para sa Belgrade OQT

MATAPOS walisin ang 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers, Gilas Pilipinas ay mag papahinga ng isang araw bago muling sumabak sa trabaho.

Ayon kay head coach Tab Baldwin, ang nationals ay magpapahinga Lunes at agad babalik sa praktis sa Martes upang paghandaan ang FIBA Olympic Qualifying Tournament na nakatakda sa katapusan ng Hunyo sa Belgrade, Serbia.

Bago umalis ang Filipinos ay nakatakdang makaharap ang China sa tune-up game na piniling manateli dito sa bansa bago lumipad patungong Serbia.

“Our plans before that are to have some practices here in the Philippines before we fly out and we’re very hopeful that we might get a practice game against China, who’s also staying here before they go to Canada for more preparations for themselves,” Tugon ni Baldwin.

“We still have a lot of work to do but these young men have earned a day off so they get Monday off but Tuesday we’ll be back at work.”

Sinabi ni Baldwin na hindi pa sila nakapagdesisyon kung sino ang bubuo sa 12-man lineup para sa Belgrade.

“I think we’ll be taking either 12 or 13 players but we haven’t made a final decision on that yet but obviously we’re only allowed to play 12, we can’t do what we did here and change the roster,” anya.

Makakatapat ng Gilas ang host Serbia sa June 30 at ang Dominican republic sa July 1 na ang dalawang top teams ay abante sa playoffs sa July 3.

The post Gilas simula ng mag-ensayo para sa Belgrade OQT appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gilas simula ng mag-ensayo para sa Belgrade OQT Gilas simula ng mag-ensayo para sa Belgrade OQT Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.