Facebook

TERORISMO AT DI PAGKAKAMALI ANG PARA KAY BELGICA

PARA kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica, ang pagatay kay Far Eastern University football player na si Kieth Absalon at sa kanyang pinsan ng mga Communist Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA) ay sadyang bunga ng terorismo at hindi lamang basta pagkakamali ng mga rebeldeng komunistang-terorista.

Nakausap natin si Belgica at inilahad nito ang kanyang saloobin matapos mabalitaan na inako pa ng CPP-NPA ang pangyayaring pinasabugan ang mga Absalon sa Masbate, bunga daw ng isang pagkakamali ng kanilang armadong grupong NPA.

Para kay Belgica na miyembro rin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ( NTF-ELCAC) ang gawang ito ng CPP-NPA ay hindi na rebelyon o pakikibaka para labanan ang pamahalaan. Ito ay talagang uri na ng terorismo kahit na sabihin ng mga rebelde na nagkamali lamang ang kanilang mga kasapi sa pagpapasabog ng Anti-Personel Mine (APM) na kanilang itinanim sa dinaanan ng magpinsang Absalon.

Una, aniya, ang paggamit ng APM ay matagal nang ipinagbabawal at isa nang paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) sapagkat hindi napipili ng pagsabog ng APM ang magiging mga bikima nito gaya ng mga Absalon na pawang mga sibilyan lamang.

At kung ang pangyayari ay paglabag sa IHL dapat lamang na panagutan ng CPP-NPA ang kanilang ginawang kalapastanganan at kasalanan sa paglabag ng IHL.

Dagdag pa nga ng ating kaibigang PACC chief, na kahit lokal na batas ay nalabag ng CPP-NPA sa pangyayari. Ito ang Republic Act 9851 o’ ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law. Kaya maari rin daw na dito pa lamang ay pwede nang litisin ang mga may kagagawan ng pagpatay sa mga Absalon.

At sa nasabing mga batas, pati ang mga lider ng komunistang-teroristang samahan ng CPP-NPA -NDF at maging lahat ng kaalyado nito ay maaaring sumabit sa kaso at mahatulan ng kahit na ng mababang hukuman gaya ng mga Regional Trial Court saan man sa bansa.

Kung maisasagawa nga raw ito sa lalong madaling panahon, ang sabi ni Belgica, pati si Jose Maria Sison na nagtatag ng komunistang-teroristang samahan ay kaya nang ipatawag ng hukuman upang harapin ang mga kasalanan ng kanyang teroristang samahan. May tama ka aking kaibigan. Mabuhay ka at ang PACC!

The post TERORISMO AT DI PAGKAKAMALI ANG PARA KAY BELGICA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TERORISMO AT DI PAGKAKAMALI ANG PARA KAY BELGICA TERORISMO AT DI PAGKAKAMALI ANG PARA KAY BELGICA Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.