Facebook

Top 1 na tap out!

PAREHONG top seed sa Western at Eastern Conference ng NBA pinagbakasyon na ng maaga ng kani-kainlang mga katunggali sa semi-finals ng bawa’t pangkat. Talo ang Utah sa LA Clippers, 2-4. Sawi rin ang Philadelphia sa Atlanta, 3-4.

Sa Final 4 na Suns vs Clippers at Bucks kontra Hawks ay pinakamababa sa standing ang Atlanta na numero 5 sa East. Pinakamataas ang Suns na dos sa West. Sina Devin Booker din ang may pinakamagandang W-L na rekord na 51-21.

Noong isang taon ay Bucks at Lakers naghari sa dalawang grupo pero nakaharap nina LeBron James sa dulo ay ang Heat na dinaig nila sa serye, 4-2.

Kaya ibig sabihin hindi awtomatiko na ang koponan na maghari sa bawa’t conference ang magtutuos sa NBA Finals.

Iba kasi ang dynamics ng best-of-7 mula sa unang round. May kontrapelo at mayroon ding inabutan ng injury sa krusyal na mga game.

Ito dahilan kung bakit mahirap manghula ng mga finalist. Tingnan ninyo ang kaso ng Jazz na ang galing sa regular season.

Kanila ang Defensive Player of Year na si Rudy Gobert at ang Sixth Man Awardee na si Jordan Clarkson pero hindi sila nakapasok kahit sa Western Finals man lang. Ang 76ers naman hindi umubra sa 5th placer na Hawks.

Yung Denver na may MVP na si Nikola Jokic ay winalis naman ng Phoenix sa 2nd round.

Ganyan sa NBA. Dadaan ka sa butas ng karayom upang makuha ang titulo. 72 hanggang 82 na laro sa regular na season tapos 16 na W pa sa playoffs. Grabe!

***

Mabuhay ang Gilas Pilipinas sa performance nila sa Clark bubble ng FIBA Asia Qualifying Tournament.

Tatlong sunod-sunod na panalo upang maka-6-0 sa grupo. Dalawang W pa diyan sa mahigpit nating karibal sa rehiyon na South Korea.

Proud tayong mga Pinoy sa achievement nina Dwight Ramos at buong squad.

Maigi na nagsasanay na tayo ng pambansang koponan para sa 2023 kung saan tayo main host kasama ang Japan at Indonesia. Pinakamatangkad at pinakabata itong RP team sa ating kasaysayan.

Sana lang hayaan itong mga player na manatili sa Gilas ng mahabang panahon. Na hindi kukunin ng PBA sa mga taon na parating.

Susunod nilang assignment ay sa Belgrade para sa Tokyo Olympic Qualifier na isa lang ang slot available.

Sana pumukpok din sila dito.

Nguni’t siyempre mas mabigat mga kalaban. Gamitin ang torneo upang maging malawak pa ang karanasan nina Kai Sotto at mga kakampi sa international competition.

The post Top 1 na tap out! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Top 1 na tap out! Top 1 na tap out! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.