ANG Lungsod ng Maynila lang siguro ang nakapagbabakuna kontra Covid-19 ng mahigit 25,000 doses kada araw simula nang umpisahan nila ang pagturok hanggang A4 priorities last week.
Nitong nakaraang Linggo lamang ay nakapagturok ng record-high 27,000 doses ang lokal na gobierno ng Maynila na pinamumunuan ni Mayor Francisco Domagoso na mas kilala sa tawag na “Yorme Isko Moreno”.
Kada araw, mula 6:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi, nagsasagawa ng pagbabakuna ang healthworkers ng Lungsod sa iba’t ibang public schools at apat na malalaking malls sa Maynila (SM Maynila at SM San Lazaro, Robinson’s sa Malate, at Lucky China Town sa Binondo).
Mayroon din sa 3 public schools sa bawat distrito ng anim na distrito ng Lungsod.
Bale 22 sites (18 schools at 4 malls) ang pinagdadausan ng pagbabakuna araw-araw.
Nitong Lunes (June 21) ay 10,000 doses ang available sa apat na malls (tig-P2,500 kada mall) para sa A4. At sa bawat eskuelahan (bale 18 schools) ay tig-1,000 doses. Bale uma-bot sa 28,000 doses ang naturukan, kasama na rito ang binigyan ng 2nd dose.
Hindi lang Manilenyo ang nababakunahan rito, mga pare’t mare, kundi maging taga-ibang lungsod at mga taga-probinsiya na sa Maynila nagparehistro para magpabakuna dahil wala raw bakuna sa kanilang lugar.
Bakit nga ba maraming bakuna ang Maynila at sa ibang lungsod at probinsiya ay wala? Well… diskarte na ‘yan ng Mayor. Ibang klase itong si Yorme eh. Maabilidad!
Oo! Nasa LGU lang ‘yan, mga pare’t mare. Kung mabagal ang vaccination program sa lungsod o bayan ninyo, ang may problema dyan ay ang mayor o gobernador ninyo. Pabaya siya!
Sa Pampanga lamang. Sobrang yaman ng gobernador dito, may pa-jueteng at may pa-online sabong na kumikita ng daan-daang milyong piso kada araw. Dito rin nakatira ang bilyonaryang dating presidente ng bansa na si Gloria Macapagal-Arroyo na 9 years nagpasasa sa kapangyarihan. Pero bilang na bilang lang ang nababakunahan sa lalawigan kada araw. Ang mga senior at mga may kapansanan, nganga. Kasi wala raw bakuna!
Sabi nga ng mga kaibigan ko sa Lubao, kungsaan naka-tira mismo ang gobernador at dating presidente ng bansa, nasa sampung tao lang kada barangay ang nababakuna-han sa kanilang lugar. Aray ko!
Kung tutuusin. Yakang-yaka nina Gov. Dennis Pineda at ex-President GMA bumili ng kahit 5 million doses ng bakuna para sa kanilang mamamayan. Pero… ewan!
Dapat wakasan na ng mga Kapampangan ang naghaharing political dynasty sa lalawigan sa 2022. Namamayagpag lang mga iligal na sugal eh. Mismo!
***
Sa higit isang taon nang pandemya sa Covid-19, dito mo makikilala kung ang mga ibinoto ninyo ay maaasahan sa pagharap sa mga problema ng bayan o pangungurakot lang ang expertise nila.
Kaya mga suki, sa darating na halalan, huwag nyo nang ibalik sa puwesto ang inutil ninyong mayor, gobernador, congressman. Higit sa lahat, magboto ng matinong kandidato para Presidente. Huwag nang pagoyo sa matatamis na pangako ng kandidato, na kapag nahalal ay sasabihin “joke” lang ang mga sinabi nung kampanyahan.
Oo! Ang 2022 Eleksyon ang magpapalaya sa atin sa pandemyang ito. Mismo!
The post ‘The best’ ang Maynila sa pagbabakuna vs Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: