IKINADISMAYA ng grupo ng mga magsasaka ang umano’y 33 taong ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng Department of Agrarian Reform (DAR) dahil patuloy umanong walang lupang sinasaka ang mga magsasaka sa Negros at umapila ang mga ito kay Pangulong Duterte na pigilin ang mga dating Hacienderos na isabotehe ang agrarian reform na umaani umano ng milyon mula sa landholding na hindi na sa kanilang pag-aari.
Sinabi ng Task Force Mapalad (TFM) habang ang bansa ay nagdiriwang ng anibersaryoo ng CARP nitong nakalipas na Huwebes June 10, ang mga magsasaka ng Negros ay nananatiling walang lupa matapos ang 33 years ng CARP na ipinatupad ng kasalukuyan administrasyon para ipahinto ang mga dating hacienderos mula sa pagilin na ipatupad ang land-to-the tiller program mula sa sugar plantation na hindi na sa kanilang pag-aari.
Sa kanilang press release suot ang kanilang damit na sacada at nakasuot ng itim na mask na may nakasulat ng “Stop CARP Obstruction” nagsagawa ang mga ito ng protest slogan ang may 50 magsasaka na pawang mga miyembro ng national peasant federation Task Force Mapalad (TFM) nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR) Provincial Office sa San Sebastian Street sa DAwis, Bacolod City, Negros Occidental para ilantad ang kanilang karaingan sa mga dating may-ari ng hacienda sa lalawigan.
“Perhaps, it is only in the Philippines, particularly in Negros and in the Panay region, where this doble kabig phenomenon happens: former sugar landlords already compensated with millions of pesos in exchange for their landholdings acquired by the DAR for CARP still raking in huge profits from plantations whose ownership has already been transferred to the government, pending their distribution to farmer-beneficiaries of the program,” ayon kay Teresita Tarlac, president of TFM’s Negros-Panay Chapter.
“From land-grabbing, these greedy bunch of recalcitrant former hacienderos, have now resorted to land squatting. They refuse to vacate CARPed plantations where they have no more rights. They harass, threaten, and drive away tillers, who, under the law, already have usufructuary rights to CARP-acquired landholdings. They indirectly tell the government – the administration of President Duterte – that in their bailiwicks, they are the rulers and rulemakers. And as far as they are concerned, the CARP law does not exist,” sinabi pa ni Tarlac.
Idinagdaga pa ni Tarlac dapat umanong mahinto ang sagabal sa pagpapatupad sa CARP at sinabing ang patuloy na pangako ni Pangulong Duterte na mahigpit na ipatupad ang pamamahagi ng lupa bago matapos ang kanyang termino.
Samantala sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng mga opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) hinggil sa pahayag ng Task Force Mapalad (TFM) subalit tumangging magbigay ng pahayag ang mga opisyal nito. (Boy Celario)
The post Grupo ng magsasaka dismayado sa CARP appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: