Facebook

Dalagita patay, ina sugatan sa pananaga

NASAWI ang isang dalagita habang sugatan ang kaniyang ina nang pagtatagain ng kinakasama nito sa bayan ng Sigma, Capiz, Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Gee Dee Bless Avelino, 16 anyos; at kaniyang inang si Adalia, 59. Pareho silang residente ng Barangay Mianay.

Sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nina Adalia at ng kinakasama nito.

Para makaiwas sa gulo, umalis sa bahay ang mag-ina. Pero sinundan sila ng salarin na may dalang itak. Pinagtataga nitor ang mag-ina nang maabutan.

Mabilis na nakatakas ang salarin, habang isinugod ang mag-ina sa ospital pero idineklara ring dead on arrival si Gee Dee Bless.

Lasing umano ang salarin nang mangyari ang insidente.

The post Dalagita patay, ina sugatan sa pananaga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dalagita patay, ina sugatan sa pananaga Dalagita patay, ina sugatan sa pananaga Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.