HINDI umubra ang pagpapalagay ng makapal na lipstick sa tatlong babaeng underage Overseas Filipino Workers (OFWs) na biktima ng human trafficking.
Ang 3 ay ni-recruit ng sindikato mula sa Cotabato at patungo sana sila ng Doha, Qatar para magtrabaho bilang household service workers.
Umamin ang 3 na tinuruan sila ng kanilang recruiter na huwag aaminin ang kanilang tunay na edad kaya pinalabas nila na 28 at 29 taon gulang sila.
Pero nang paulit-ulit na tanungin ang mga ito ng Immigration officers sa Clark International Airport (CIA), napilitang umamin ang mga biktima na nasa 20 anyos lamang sila.
Tinuruan din aniya sila ng kanilang illegal recruiters na maglagay ng makapal na lipstick at huwag pipila sa Immigration counters na mga nakatatanda ang nakapila.
Hawak na ang tatlo ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa pagsasampa ng kaso sa sindikato.
The post Makapal na lipstick ng underage OFWs ‘di nakalusot sa immigration appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: