Facebook

2 lalaking nagbebenta ng agarwood arestado ng NBI sa QC

ARESTADO sa entrapment operation ang dalawang lalaki na sangkot sa iligal na pagbebenta ng agarwood o kahoy mula sa puno ng lapnisan.

Kinilala ang mga dinakip na sina Mark Gil Espino at Nathaniel Avelino.

Sa ulat, ikinasa ang operasyon laban sa dalawa nang makumpirma ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-ECD) ang pagbebenta ng mga ito ng agarwood sa halagang P150,000.00 kada kilo.

Kabilang sa nasamsam kina Espino at Avelino ang 17 kilo ng agarwood na ibinenta ng P1,955,000 sa nagpanggap na buyer.

Kasong paglabag sa RA 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act at PD 705 o ang Revised Forestry Code of the Philippines ang kinakaharap ng dalawa.

The post 2 lalaking nagbebenta ng agarwood arestado ng NBI sa QC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 lalaking nagbebenta ng agarwood arestado ng NBI sa QC 2 lalaking nagbebenta ng agarwood arestado ng NBI sa QC Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.