Facebook

3 miembro ng bandidong grupo tigok sa military ops sa Maguindanao

PATAY sa ikinasang focused military operation ng mga tauhan ng Joint Task Force Central (JTFC) ang tatlong miyembro ng bandidong grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa Barangay Linantangan, Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.

Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., Commander ng Western Mindanao Command, nagsasagawa ng operasyon sa nasabing lugar ang mga sundalo nang makasagupa ang nasa sampung miyembro ng BIFF na mga tauhan ni Muslimin Amilil alyas Mus ng 2nd Division ng Karialan Faction.

Nangyari ang sagupaan 6:00 ng umaga nitong Linggo, nagresulta sa pagkamatay ng tatlong bandido.

Narekober ng militar sa pinangyarihan ng sagupaan ang bangkay ng tatlong bandido, mga baril at pampasabog.

Dinala sa 1st Mechanized Battalion headquarters ang mga labi ng mga nasawing bandido para sa identification at documentation.

The post 3 miembro ng bandidong grupo tigok sa military ops sa Maguindanao appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 miembro ng bandidong grupo tigok sa military ops sa Maguindanao 3 miembro ng bandidong grupo tigok sa military ops sa Maguindanao Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.