Facebook

Misis pinatay sa taga ng aburidong mister

PINATAY sa taga ng aburidong mister ang kanyang live-in partner sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Realyn Maglimti Lamban, 27 anyos, tubong Samar. Kaagad namang nadakip ang mister na si Ferdinand Suarez Panti, 30. Nakatira ang mag-asawa sa 798 Manga St., Sitio San Roque 2, Bagong Pag-Asa, Quezon City.

Ayon sa report, 3:00 ng madaling araw narinig ng mga kapitbahay na sumisigaw ang biktima ng: “Tulong, tulong may sunog”.

Makalipas ang ilang minuto, muling sumigaw ng: “Tulong, tulong sasaksakin ako ng asawa ko”.

Dahil sa takot na madamay, agad na ini-report ng mga kapitbahay sa Project 6 Police Station 15 ang nangyayaring kaguluhan sa bahay ng mag-asawa.

Nang magresponde ang mga otoridad, naabutan ang nakabulagtang misis, habang nakatayo sa harap nito ang mister na may bahid ng mga dugo sa damit habang nasa tabi nito ang gamit na itak sa pananaga.

The post Misis pinatay sa taga ng aburidong mister appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Misis pinatay sa taga ng aburidong mister Misis pinatay sa taga ng aburidong mister Reviewed by misfitgympal on Hunyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.