OPTIMISTIKO si Philippine pool icon Marlon ‘Marvelous’ Manalo na parating na ang sandali ng katotohanang magiging realidad ang malaon nang pangarap ng sambayanang Pilipino na makamit ang buwenamanong gintong medalya sa Olimpiyada.
Ayon sa batikang bilyarista ng bansa at multi-international medalist Filipino athlete na si Manalo, malaki ang tsansa ng ating Olympic-bound athletes na sino man sa kanila ay potensiyal na mananalo ng kauna-unahang Olympic gold para sa karangalan ng bansa dahil na rin sa taas ng kalidad ng kanilang kalibre pantapat sa mga makakaharap na pinakamahuhusay ding atleta ng kanilang bansa sa mundo na sinalang mabuti para sa “biggest sports spectacle on earth – ang Olympics-na gaganapin sa darating na Hulyo-Agosto 2021 sa Tokyo, Japan.
Si Manalo ay kabilang sa pinakamahuhusay na manlalaro sa larangan ng billiards na tanyag sa buong mundo bagama’t di pa kabilang sa medal sports sa Olympics, naniniwala ito na magde-deliver ng gintong medalya ang sino man sa ating mga piling atleta mula sa gymnastics, pole vault (athletics), weightlifting, boxing, skateboarding, judo, rowing, karatedo, at iba pang magku-qualify pa para sa quadrennial Olympics.
Dasal at pagbati ang pabaon ni Manalo bilang kapwa atleta, sa 14 o higit pang piling Pinoy Olympians na dumaan sa maraming pagsubok bago matupad ang ultimomg pangarap na isang atleta na makalahok sa Olympiyada.
“Congratulations to our very own athietes bound for Olympics in Japan, for unceasing embraced their dreams, plan in bringing glory and gold to our beloved country. Now this will be the chance for our best bets to test their hardwork and perseverance with God’s grace, as your fellow athlete ,I strongly believe you can make it. Good luck our heroes!” ,puno ng pag-asang mensahe ni Manalo – ang longest serving Captain ng Barangay Malamig sa Mandaluyong City at awardee bilang huwarang public servant.
Si ‘Champ’ Manalo ay nagkampeon sa Asian Snooker Campionship noong 2000,Corporate Billiards League 2003,Reno Open Texas Hold ‘Em at New Jersey 9- ball2005,North America 9- ball Open2006,Florida Pro Tour 2007 at runner up noong 2001 World Games, 2002 IBC Tokyo Games, 2004 World Pool Games ,2004 Asian Games at 2005 World Tour Championship.(Danny Simon)
The post GINTONG MEDALYA SA OLIMPIYADA, IPAPANALO NG PILIPINO SA TOKYO! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: