LITERAL na pinaiinit ang paghahanda sa nalalapit na laban ni boxing icon turned Senator MANNY ‘PACMAN’ PACQUIAO sadarating na Agosto 21 versus ERROL SPENCE, JR. na kabayan ni undefeated world boxing champion FLOYD MAYWEATHER, JR. na tumalo namankay PACMAN sa kanilang controversial bout noong 2015.
This early, handang-handa na ang supporters at believers ni PACMAN (para sa nakagawiang pustahan?). Ang PambansangKamao pa rin ng Pinas ang isusulong ng milyon niyang followersworldwide, hindi lang Pinoy.
Siyempre naman, suportado ni FLOYD ‘MONEY” MAYWEATHER si SPENCE at nakaabang ito para bigyan ng pointers kung paano talunin si PACMAN. Matatandaang ilang beses na ring naghahamon ulit ng rematch ang kampo ni PACMAN para makatapat ulit si FLOYD pero wala na rawdapat patunayan ito at sisiguruhin na mananatiling undefeated champion sa ginawang pagreretiro.
“I wish them nothing but the best.” komento ni FLOYDhabang naniniwala pa rin sa bangis ni PACMAN sa ring. Muling magkakagulo ang boxing fanatics sa oras ng PACQUIAO-SPENCE bout sa Agosto to think na parehong winners sa huli nilang laban ang dalawa.
Wagi si PACMAN kay KEITH TURMAN last June 2019 at panalo rin si SPENCE kay DANNY GARCIA last December 2020. Angkaabang-abang pa rito, muling masusukat ang tibay ni PACMAN kung matindi pa rin at age 42 versus 31 year-old SPENCE. Let’s wait and see!
INTRIGA SA ‘UMAK’ DIPLOMA NI PACMAN
SA kabilang banda po, kakaibang init ng laban angtinitimpla ng critics ni PACQUIAO sa pulitika. Mula sa pagiging Kongresista, nagawa nitong makasampa sa Senado at ngayon aynangangarap namang takbuhin ang pinakamataas na posisyon sa bansa.
TATAKBONG PRESIDENTE SI PACMAN?
Dahil marami ang nagbubuyo at nakakumbinsi kay PACQUIAOto run for the top government post, trending lagi sa social media anganak ng General Santos (GenSan) City. Ang siste po, subject lagi ang educational background ng Pambansang Kamao. Open book naman na tapos lang talaga ng grade school o elementary si PACMAN dahil nga po sa dating sobrang kahirapan. Dahil self-made talaga, yumaman mula sa boxing dahil umabot sa titulong 8-Division World Boxing Champion na siya ang solong may hawak sa world boxing history.
Open book din na sa pamamagitan ng nausong Alternative Learning System (ALS) mula sa programa ng Department of Education (DepEd), tinulungan ni dating Manila Mayor LITO ATIENZA (ngayon ay Buhay Partylist Congressman) na mabiyayaan ng high school diploma thru ALS. Yun lang, umuusok ang isyu ngayon na ‘PEKE” umano o questionable ang katibayan ng pagtatapos nito mula sa UNIVERSITY OF MAKATI (UMAK) dahil nasa 3 buwan lang itong pumasok sa 4-year college course. Nakapost sa socmed ang enrolment date sa kursong Bachelor of Arts in Political Science, September 2019 at nakagradwet ng December2019. Isyu, pinera o binayaran umano ang diploma!”Ano raw ang karapatan sa Malakanyang ng isang ‘walang aral” at mismong si Pang.RODRIGO DUTERTE ang nagsabing’ Mag-aral ka muna!” kay PACMAN. Abanganpo natin ang hihinatnan ng mainit na isyu! HAPPY READING!
The post PACQUIAO, MAS PINATITINDI ANG LABAN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: