Hiniling ng grupo ng mga magsasaka na mapabilang ang agricultural sector sa A4 priority group na mabakunahan ng Covid-19 vaccine dahil kabilang ang mga ito sa essential workers ng bansa.
Tinatayang nasa 30 milyon ang populasyon ng mga magsasaka at kailangang mabakunahan ang 12 milyon na nasa agricultural community.
Nanawagan si Agriculture Sector of the Philippine (AGAP) at Pork Producers of the Philippines Chairman Nicanor Briones sa Inter-Agency Task Force (IATF), na sana unahin ang mga magsasaka dahil karamihan sa kanila ang nakaharap sa publiko partikular na sa mga pamilihang bayan.
Susulat din ang grupo ng mga magsasaka sa local government units (LGUs) para bigyang prayoridad ang hanay ng mga magsasaka.
Aniya, napakahalaga para sa agricultural sector ang mapakunahan ng Covid-19 vaccine dahil sa kanila dumadaan ang pagkain ng bawat Pilipino sa araw araw.
Mariin sinabi rin ni Briones, na nahuhuli sa prayoridad ang mga magsasaka sa budget, ngayon huli pa rin pagdating sa vaccination program ng pamahalaan.
“Nasaan naman ang hustisya kung saan ang pangunahing pangangailangan ang pagkain pero huling binibigyang ng pansin ang mga mgsasaka ng ating gobyerno,” wika ni Briones.
The post Agricultural sector hiniling na mapabilang sa A4 priority group ng Covid-19 vaccine appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: