Facebook

‘Harong Paglaom’

‘HARONG PAGLAOM’, salitang Bicolano po ito na sa english ay ‘House of Hope”‘ o ‘halfway house’ kung baga, ay pansamantalang matutuluyan. Ito ang pinasinayaanan kamakailan ni Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero at Communication Technology Secretary Gregorio Honasan sa lugar ng Juban, Sorsogon para maging pansamantalang tuluyan ng mga nagbalik-loob sa pamahalaan na mga rebelde upang maibalik din sila sa tamang pamumuhay sa lipunan.

Ang Harong Paglaom sabi ni Escudero ay para maipakita na hindi lamang sa baril o mga bomba ng mga teroristang-komunistang New People’s Army (NPA) ang nakakagawa nito. Ito ay bunga ng Support for the Brangay Development Program (SBDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa tinatawag na “whole nation approach” upang malutas na ang mahabang panahon ng panggugulo ng mga rebelde na ngayon ay mga terorista na.

Sabi pa nga ni Escudero mahigit limangpung taon (50 yrs.) na naglalaban-laban ang mga kapwa Filipino, na dapat ay tuldukan na at simulan na ang pagtutulong-tulong para lahat ay umunlad. Kaya naman pinasalamatan niya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at si National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon sa paglalatag ng BDP sa buong bansa na namamahagi ng P20 milyong pisong pondo kada malalayo at mahihirap na barangay na ginagambala ng CPP-NPA-NDF.

Ang halfway house ang magbabalik sa mga nagsisukong teroristang-komunista sa totoong lipunang dapat nilang ginagalawan. Dito muli ituturo sa kanila ang tamang pamumunhay ng isang makabayang Filipino at bibigyan pa sila ng nimulang pondo sa kanilang pagbabalik lood sa pamahalaan at sa totoong malayang pamumuhay.

Para kay dating senador Honasan naman, ang pagkakalikha ng Pangulong Duterte sa NTF-ELCAC ang magtutulak upang magawa ang BDP at magkaroon ng totoong kapayapaan saan mang bahagi ng Pilipinas. Ang Executve Order No. 70 na iniutos ng pangulo aniya ang tatapos sa mahabang problema ng bansa sa insureksiyon, rebelyon at ngayon ay terorismong lakad ng mga CPP-NPA-NDF.

Sa programa kasi ang pondong P20 milyon ay magagamit sa pagaayos ng mga kalye, paaralan, at mga pangkalusugan at pangkabuhayang pangangailangan ng mga mahihirap na barangay nang sa gayon, anumang pagtatangka na guluhin at himukin sila ng mga teroristang-komunista siguradong tatanggihan na sila ng ating mga kababayan dahil sa nakikitang pakinabang na ibinahagi ng talaga nilang pamahalaan at hindi galing sa diskarte ng mga CPP-NPA-NDF.

The post ‘Harong Paglaom’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Harong Paglaom’ ‘Harong Paglaom’ Reviewed by misfitgympal on Hunyo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.