Facebook

Mga pinauwing OFWs mula sa Fiji, tinulungan ni Bong Go

BINIGYAN ng ayuda ni Senator Christopher “Bong” Go ang nasa 99 overseas Filipino workers mula sa Fiji na nawalan ng hanapbuhay at pinauwi sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Tiniyak ni Go na magpapatuloy ang kanyang suporta at ng pamahalaan sa mga ito sa harap ng patuloy na krisis na dulot ng pandemya.

Ang OFW beneficiaries ay binigyan ng bitamina, masks at face shields, at iba pang anyo ng tulong mula sa grupo ni Go sa Waterfront Hotel, Davao City.

Umasiste rin ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng pamamahagi ng financial assistance sa OFWs.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Go na hindi iiwan ng gobyerno ang mga OFW na nawalan ng trabaho sa ibang bansa habang naghahanap ng panibagong ikabubuhay.

Kaya naman inalok ng senador ang mga OFW na may kondisyong medikal at nangangailang magpagamot na magtungo sa Malasakit Center sa Southern Philippines Medical Center na nakahandang tumulong para sa kanilang hospital at health related expenses.

“Kung mayroon kayong pasyente, mayroon tayong Malasakit Center sa SPMC. Tutulungan kayo nito hanggang maging zero-balance na ang inyong babayaran sa ospital. Para ito sa Pilipino, lalo na ang mga poor and indigent patients,” sabi ni Go.

“Ito ang aking isinulong noon na batas na pinirmahan ni Presidente Duterte. Para talaga ito sa mga Pilipino, ang Malasakit Center, kaya lapitan niyo lang,” idinagdag niya.

Sinabi ni Go na siya tumitigil sa pagsusulong ng interes ng OFWs lalo ngayong may krisis gaya ng pagsusulong ng Senate Bill No. 2234 o ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos bill.

Ito ay consolidated version ng nauna niyang panukala na paglikha ng Department of Overseas Filipinos.

Kapag pumasa, ang SBN 2234 ay layong magtatag ng DMWOF, isang departamento na ang pangunahing mandato ay magbugo, magrekomenda at maimplementa ng pambasang polisiya, plano, programa at mga alituntunin na magpoprotekta sa OFWs.

“Ito po ang tatandaan natin, minsan lang po tayo dadaan sa mundong ito. Kung ano pong kabutihan ang puwede nating maitulong sa kapwa tao natin ay gawin na natin dahil hindi na po tayo babalik sa mundong ito,” ani Go.

“Kami ni Pangulong Duterte ay patuloy na magseserbisyo sa inyo, dahil para sa amin, ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos,” idinagdag ng senador.

The post Mga pinauwing OFWs mula sa Fiji, tinulungan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga pinauwing OFWs mula sa Fiji, tinulungan ni Bong Go Mga pinauwing OFWs mula sa Fiji, tinulungan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Hunyo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.