Facebook

Health protocols ginamitan ng iba’t-ibang dayalekto sa Divisoria

TILA nasa loob ng paliparan ang mga naglalakad na mamimili sa area ng Divisoria dahil makakarinig ka mula sa mga nakakalat na ‘public address speaker’ ng iba’t-ibang dayalekto na paalala upang mapanatili ang ipinapatupad na health protocols bunsod pa din ng nararanasang pandemya.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Dagupan Outpost Supervisor PSMS Gerardo Tubera, alinsunod na din sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at ni MPD District Director P/BGen. Leo Francisco na mahigpit na maipatupad ang minimum health protocols sa mga pampublikong lugar, nasa walong klase ng dayalekto ang maririnig ng mga magtutungo sa kalsada ng Divisoria na nagpapaalala sa tamang pagsuot ng facemask at face shield gayundin ang pagpapanatili ng physical distancing.

Kabilang sa mga dayalekto na maririnig sa Divisoria ang Tagalog, English, Mandarin, Chinese, Waray, Bisaya, Ilokano, at Kapampangan.

Nabatid kay Tubera na isang linggo na nila itong ginagawa sa Divisoria kung saan sisimulan nila ito 8:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi, araw araw.

Dahil sa ginawang pamamaraan ng kapulisan sa Divisoria, partikular na sa nasasakupan ni MPD-Station 2 Chief P/Lt.Col Magno Gallora Jr., iilan na lamang ang nasisita nila na nakababa ang suot na face mask sa kanilang baba.(Jocelyn Domenden)

The post Health protocols ginamitan ng iba’t-ibang dayalekto sa Divisoria appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Health protocols ginamitan ng iba’t-ibang dayalekto sa Divisoria Health protocols ginamitan ng iba’t-ibang dayalekto sa Divisoria Reviewed by misfitgympal on Hunyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.