Facebook

BAYANING HEALTH WORKERS

IKINAGALAK at pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang paggagawad ng Order of Lapu-Lapu bilang pagkilala sa medical frontliners ng Philippine General Hospital na nagpakita ng kabayanihan at malasakit sa nangyaring sunog sa naturang ospital noong nakaraang buwan.

Matatandaan na matapos ang insidente, inirekomenda ni Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na opisyal na bigyan ng papuri at pagkilala ang mga health workers na nagtaya ng kanilang buhay para mailigtas ang mga pasyente ng PGH habang ito ay nasusunog.

“Dahil sa ipinamalas nilang tapang at malasakit sa kapwa, nararapat lamang po na gawaran ng parangal ang medical frontliners bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan,” ayon kay Go.

“Nawa’y magsilbing halimbawa sila sa ating mga mamamayan upang ipagpatuloy ang ating bayanihan,” idinagdag ng senador.

Kabilang sa mga nakatanggap ng pagkilala ng Pangulo sa President Malacañang nitong Miyerkoles ay sina Kathrina Bianca C. Macababbad, Esmeralda E. Ninto, Phoebe Rose C. Malabanan, at Jomar T. Mallari.

Sila ang mga nurse ng neonatal intensive care unit ng PGH na nanguna sa pagliligtas sa mga pasyente at mga bagong silang na sanggol habang tinutupok ng apoy ang gusali ng ospital.

Ang nurse rin na si Quintin P. Bagay Jr.; PGH residents Dr. Alexandra P. Lee at Dr. Earle Ceo D. Abrenica; safety officers Joel L. Santiago at Ramil Ranoa ay kabilang din sa PGH personnel na binigyan ng award.

Ang Order of Lapu-Lapu ay national order of merit na ibinibigay ng Pangulo sa mga nakapagpamalas ng extraordinary service sa bansa.

Nauna rito, naghain si Go ng Senate resolution na kumikilala sa medical staff ng PGH. Sa kanyang Senate Resolution No. 733 na inihain noong May 24, pinuri ni Go ang tapang at dedikasyon ng staff at medical personnel ng PGH na naging responsable para ligtas na mailikas ang mga pasyente ng ospital sa sunog, kabilang ang mga sanggol sa Neonatal Intensive Care Unit.

“During the fire breakout, the staff and nurses of the PGH ignored personal safety and put their lives at stake to save their patients,” saad ni Go sa resolusyon.

“The immediate response of the medical staff and personnel of the PGH should be truly commended and honored for they have shown … courage and heroism despite the recent fire incident and amid the ongoing health crisis,” ayon sa senador.

Sinabi ng mambabatas na nakahanda siyang tumugon agad sa karagdagang budget kung kakailanganin agad para sa pagsasaayos ng bahaging nasunog sa gusali ng PGH.

“Ngayong taon na ito kung ano ang kailangang i-address agad ang mga equipment na kailangan handa tayong tumulong,” aniya. (PFT Team)

The post BAYANING HEALTH WORKERS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BAYANING HEALTH WORKERS BAYANING HEALTH WORKERS Reviewed by misfitgympal on Hunyo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.