Facebook

Informal sector, siguradong mababakunahan kahit walang ID — Isko

KAHIT walang identification cards o IDs bilang pruweba ng pagkakakilanlan ay mababakunahan pa rin ang mga nabibilang sa informal sector na kabilang sa A4 category tulad ng vendors at public utility vehicle drivers. Ito ang tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na nagsabi na nagtitiwala siya sa mga kabilang sa sektor na ito.

“Pag nasa informal sector kayo, paniniwalaan namin kayo. Don’t worry, I trust you,” pahayag ni Moreno na nagsabi din na mahigpit ang bilin niya sa mga kawani ng Manila Health Department sa pamumuno ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, na tanggapin lahat ang mga ito. Si Vice Mayor Honey Lacuna ang siyang pinakapinuno ng mass vaccination program ng kabisera ng bansa.

Ang miyembro ng informal sector na tinutukoy ni Moreno ay mga vendors, pedicab drivers at may-ari at mangagawa ng maliit na negosyo tulad ng variety stores at karinderya at iba pang katulad nito na ayon sa kanya ay walang identification cards o IDs na magpapatunay na sila ay kwalipikado sa A4 category bilang mga economic workers.

“Yun bang nagtitinda ng ice cream o taho me ID? Di ba wala? Pero kung gusto nila magpabakuna, puwede, dahil naghahanap-buhay din kayo” pahayag ni Moreno sabay bigay diin na ang kawalan ng ID ay hindi dahilan para pagkaitan ang informal sector workers na mabakunahan.

“Nagbilin na ako sa mga tao namin na paniwalaan ang sasabihin ng mga tao. Magtitiwala ang gobyerno sa tao. Kung gusto nating pagtiwalaan din tayo, gobyerno muna ang dapat na magtiwala sa tao,” dagdag pa ng alkalde.

Masaya ang alkalde dahil sa pagpapakita ng interes ng mga nasa informal sector na mabakunahan nang hindi na kailangan pang bigyan ng insentibo para lamang magpabakuna at magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

Sa kaso naman ng mga nasa formal sector tulad ng food delivery riders, call center agents at office workers, kailangan lamang na ipakita ang ID at sapat na para mabakunahan.

“Proud ako na gusto ninyong magpabakuna. It is one of the best decisions you’ll ever make..maraming salamat sa pagtugon sa aking pakiusap bilang ama ng lungsod na magpabakuna kayo,” dagdag pa ni Moreno.

Ayon pa kay Moreno, hangad ng pamahalaang lungsod na gawing simple ang proseso sa pagbabakuna habang sumusunod sa itinakdang alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Hanggang June 8, ang bilang ng bakuna na naiturok na ay 297,556. Sa nasabing bilang, 212,367 ang first dose habang ang second dose naman ay 85,189 ang kabuuan. (ANDI GARCIA)

The post Informal sector, siguradong mababakunahan kahit walang ID — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Informal sector, siguradong mababakunahan kahit walang ID — Isko Informal sector, siguradong mababakunahan kahit walang ID — Isko Reviewed by misfitgympal on Hunyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.