UNA sa lahat, binabati ko ng belated happy birthday si Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal.
Nawa ay patuloy siyang maging malusog at ligtas sa anumang sakit. Muli, happy birthday GM!
***
Tiniyak ni MIAA general manager Ed Monreal na ginagawa nito ang lahat ng maaring gawin upang matulungan ang may 2,000 contractual airport employes sa malaking problemang kinakaharap nila sa kasalukuyan.
Ito ay dahil sa inilabas na Commission on Audit (COA) Audit Observation Memorandum (AOM) noong January 28 kung saan ang mga tauhan ng LSERV Corporation ay inaatasang ibalik ang kanilang mga nakuhang hazard pay sa gitna ng pandemya. Ang mga personnel na ito ay ‘third-party workers’ na kinuha ng MIAA bilang job order employes sa pamamagitan ng nasabing manpower agency.
Ayon sa nasabing COA ruling, hindi daw kasi kwalipikado sa hazard pay ang mga naturang government personnel.
Sa memo na inilabas ni LSERV Corporation COO Joseph Angeles noong May 24, 2021, napag-alaman na ang kabuuang halaga na kailangang mabawi sa mga empleyado ay umaabot ng P54 million.
Ito ay mula sa kabuuang COVID-19 Hazard Pay na nai-release ng ahensiya sa 2,000 kawani mula March 17, 2020 hanggang August 18, 2020. Babawiin daw ito sa pamamagitan ng salary deduction na P1,500 kada buwan.
Natural, nag-iyakan ang mga empleyado lalo pa at ang nasabing halaga ay lubhang importante ngayong pandemya. Ang mga JO o job order personnel ay walang ibang mga benepisyo di gaya ng mga regular o organic personnel ng airport.
Mabigat ang kabawasang P,1500 kada buwan para sa mga ordinaryong mangggagawa kaya sana ay masolusyunan ito.
Ayon sa mga nag-iiyakang empleyado, ‘actual duty’ daw ang kalakip ng nakuha nilang hazard pay. Kung tumanggap man sila ng hazard pay ay dahil umano buwis-buhay silang nagpatuloy ng pagta-trabaho sa panahon ng pandemya bilang airport frontliners.
Maliit lang naman talaga kung tutuusin ang sweldo ng mga ito at kung babawasan pa, wala na halos matitira pa para sa pamilya nila.
Sabi naman ni GM Monreal, isang pag-aaral ang ginagawa ngayon para maghanap ng kaparaanan nang sa gayon ay hindi na kailangan pang bawiin ang naibigay at nagastos nang hazard pay.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.
The post Pagbawi sa hazard pay ng MIAA personnel, pinaaaral ni GM Monreal appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: