KALAYAAN ang salitang pinakadakila na talaga naman nanunuot sa kaibuturan ng bawat tao lalo’t dumaan ito sa panahon ng pagdurusa sa kamay ng mapang-api. Hindi mailarawan ang ligaya ng mga taong nabigyan ng kalayaan na nagdusa sa loob ng piitan o maging sa lipunan na sumikil sa kalayaang tinatamasa nito. Ang bansang Pilipinas ang isa sa pinakamatagal na sinikil ang kalayaan mula sa panahon ng Kastila, panahon ng Hapon, hangang sa kamay ng diktador noon at sa kasalukuyang panahon. Nagsilang ito ng sinu-sinong bayani sa bawat lugar na talagang nagnais na maging Malaya ang kinalakihang bayan.
Mayroong kasaysayan ang bawat lalawigan na ipinaglaban ang kalayaan sa pagsakop ng dayuhan na nagsibol ng mga maliliit na pag-aaklas upang mapalaya ang lugar kahit sa maliit na pamaraan. Diyan nakilala ang ilang maliliit na rebelyon sa mga lalawigan na nagpasikat kay Francisco Dagohoy ng Bohol, Agustin Palaris ng Pangasinan, Sumuroy na isang Waray, Diego at Gabriela Silang, Lakandula ng Tondo, Ninoy Aquino at iba pa na namulat at lumaban para sa kalayaan ng bansa.
Tunay na mailap ang kalayaan kung pag-uusapan ang kasaysayan ng bansa. Maraming taong nasakop at maraming lahi ang nagnanais na masakop ang bayang ito. Ano ba ang meron ang bansang ito at bakit tila ayaw tantanan ng ibang mga lahi na makapag-isa ang bansang ito at maranasan ang tunay na kalayaan? Hindi magkamayaw ang mga ibang lahi na kahit na mala kolonyal ang paraan ng pananakop dito’y ginagawa upang maging pala-asa ito sa ano mang pangangailangan lalo ang pangkabuhayan.
Sa kasalukuyan, mapapansin na nariyan ang bansang Tsina na tulad ng mga nabanggit sa itaas, ‘di man tuwiran ang pananakop subalit ramdam ni Mang Juan na tila narito na ito sa bansa. Sa pagpasok ng iba’t-ibang proyekto at negosyo na tuwirang gumagalaw sa ating bansa, dama ang presensya ng mga Tsekwa sa ating lupain na talagang binibigyan ng natatanging pagkilala sa kontribusyon nito sa bansa. Ito ang matingkad na ginagawa ng pamahalaan.
Sa mga nakaraang taon hangang sa kasalukuyan, patuloy ang pagpasok ng mga Tsekwa sa bansa bilang mga trabador o obrero ng mga proyektong pinasok ng pamahalaan. Nariyan ang POGO, na tuwirang pumasok at patuloy na nagpapalakas ng negosyo sa mga malalaking siyudad sa bansa. Walang ginagawang pag sala sa mga pumapasok na Tsekwa basta’t may basbas ng nasa itaas. Nariyan ang maraming turistang Tsekwa na pumapasok at nananatili sa bansa sa mahabang panahon.
At mayroon ilegal na pumapasok sa bansa na pilit na ginagawang legal, di ba Senator Bato! Tanungin natin ang mga nasa pamahalaan kung bakit ganun lang kadaling pumasok sa bansa ang lahing ito? Ito ba’y isang uri ng malambot na pananakop na kung magkagulo sa mga karagatang pinag-aagawan, ang kalaban ay nariyan na at ibibigay na lang ang gobyerno?
Kung sabagay, peketos ang kalayaan na ating tinatamasa sapul na tumao si Totoy Kulambo sa Malacanan. Nariyan ang pangigipit sa mga tao sa pamamagitan ng kautusan na ibig na ibig ng kapulisan at kasundaluhan. Marami sa atin ang hindi makapagsalita ng laban sa gobyernong ito sa takot na makasuhan, ipasara o maitumba tulad sa marami nating kababayan maging ang mga peryodista’y hindi pinatawad at nagiging biktima ng karahasan dahil sa pagbibigay puna at kritisismo sa pamahalaang ito.
Nariyan ang paggamit ng institusyong legal upang takutin at ipasara ang iba’t ibang media outlet na kritikal sa pamahalaan. Walang nagsasabing may busal ang pamamahayag subalit dama ang kamay ng pamahalaan sa lahat ng sangay nito na gumagapang mula hukuman hanggang kongreso. Maliwanag ang sinapit ng ABS CBN. Si Maria Ressa, ilang kaso ang kinakaharap at maraming mamamahayag na nagpalit tindig upang makapaghanap buhay.
Hindi lang yan, may paraan pa itong si Totoy Kulambo na gumagastos ng malaki upang labanan ang mga kontra dito sa pamamagitan ng bayarang media at social media trolls na ubod ng dami’y hirap ng FB. Nariyan ang legal front at mga opisyales ng pamahalaan na lumalabas sa SocMed upang sabayan ang magkatunggaling pananaw ng pamahalaan..
Sa mga kritikal sa pamahalaang ito, malinaw na kayo ang bagong Dagohoy na tuwirang nagbibigay lakas loob sa mga taong nais ipahiwatig ang pagkadismaya sa pamamalakad ng gobyernong ito na tinatago pa ang paninikil sa pamamagitan ng mga legal na pamamaraan upang itago ang pagiging mapaniil nito. Salamat sa mga taong tuwirang tumatayo laban sa gobyernong ito tulad ni Sen. de Lima, Trillanes, Busy Leni at marami pang iba na ayaw ibigay ang kalayaan na nakamit na muling inilalayo ng makapiling lider na maka dayuhang intsik.
Salamat sa mga SocMed Warriors na patuloy na lumalaban upang ilabas ang tunay na estado ng bansa. Salamat sa mga peryodista na patuloy na nagmulat sa bayan sa maliit nilang pamamaraan kahit na nakasalang ang kanilang kaligtasan. Salamat kay Mang Juan na patuloy na namumulat upang gisingin pa ang mga anak na nagnanais ng kalayaan.
Kay Totoy Kulambo huwag mag-alala, ang kalayaan ng bayan na pilit mong piniringan ang maglalagay sa iyo sa pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan. Batid ng bayan ang pagiging makabagong makapili mo. Batid ng bayan ang iyong pagtataksil na pilit mong ibinebenta sa dayuhan ang mga pag-aari ng bayang ito. Sa walang habas na pagtulog hindi napansin na nakamasid si Mang Juan at ang buong mundo. Hindi lang si Mang Juan ang huhusga sa iyo, maging ang ibang lahi na talagang nagmamahal sa kalayaan na tuwirang napopoot sa iyong kataksilan.
Walang kapara ang iyong ginawang pagtataksil sa bayan na nasaksihan ng mundo. Ang kagalingan pangkabuhayan ng mundo ang itinaya sa pagbebenta sa bansa sa dayuhang Tsekwa. Ang tuwirang epekto nito sa bansa’t sa mundo’y hindi isinaalang-alang dahil sa pagnanais na ma please si XI. Sa kaganapan sa ICC, nawa’y matapos na ang bentahang ito at mawala na kayo sa pwesto… at matamo ang kalayaan na aming minimithi. Ang mailatag sa iyo ang tamang pasya ng kasaysayan na wala ng patumpik tumpik ang maglalagay sa bansa sa Mithiin nitong Kapayapaan at Mithiing Kalayaan.…
Maraming Salamat po!!!
The post Kalayaan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: