Facebook

King and Queen Club Part 2

MATINDI talaga ang koneksyon ng pamosong night club cum putahan dyan sa Pasay City.

Kaya daw bilhin ng may-ari ng nasabing club ang sino mang maging balakid sa illegal na operasyon nila.

Kahit mga opisyal daw ng kapulisan at ibang law enforcement agencies ay pasok na raw sa kanilang network.

Masyadong mayabang ang grupong ito na ang balita natin ay protektado ng isang mataas na opisyal ng Pasay LGU.

Wala tayong pakialam kung sino mang Herodes ang padrino ng putahang iyan.

Ang alam at batid natin,labag sa batas ang kanilang ginagawa lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Higit sa lahat mas labag sa batas para sa pinagmamalaking padrino nitong opisyal ang ginagawa nyang protektahan ang night club cum puntahan, lalo’t higit elected opisyal ang kupal.

Bawal pa mag-operate ang mga kahalintulad nitong negosyo sa sitwaayon ng bansa ngayon na nasa health emergency crisis.

Ibang klase talaga ang opisyo ng club na ito na bukas as business as usual kahit pa nga umiiral ang community quarantine at health protocols dahil sa Covid-19 pandemic.

Sa back door entrance pumapasok ang mga kostomer ng King and Queen sa tuwing nag-o-operate ang mga ito na mahahalintulad sa clandestine o underground operation.

Malaking peligro ito di lamang sa mga high-end kostomer ng club kundi sa mga empleyado ng establisimiyento at mga receptionists,dancers and the likes.

May kasunod pa ang krusada nating ito…

Abangan!

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post King and Queen Club Part 2 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
King and Queen Club Part 2 King and Queen Club Part 2 Reviewed by misfitgympal on Hunyo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.