Facebook

NCR transport workers inayudahan ni Bong Go

DAHIL labis ding naapektuhan ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic, inayudahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga tsuper na konektado sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa gitna ng pamimigay ng ayuda sa punong tanggapan ng Department of Social Welfare and Development sa Quezon City, si Go na siyang chairman ng Senate Committee on Health, ay muling nagpaalala sa mga Filipino, partikuar sa economic frontliners na magpabakuna.

Tiniyak ni Go na kapag marami na ang fully vaccinated, ikokonsidera na ng gobyerno na irelaks ang marami pang economic restrictions.

“Mga kababayan ko, patuloy na dumarating ang mga bakuna, unti-unti na pong pinapadala ito sa iba’t ibang parte ng ating bansa. Magtiwala ho kayo sa bakuna.”

“Kapag nasa priority list na po kayo, magpabakuna na po kayo. Huwag kayong matakot sa bakuna, matakot ho kayo sa COVID-19, ang bakuna po ang solusyon o susi para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” sabi ni Go sa transport workers.

Siniguro rin ng senador sa mga lubos na tinamaan ng health crisis na magpapatuloy ang pamahalaan sa pagsuporta sa kanila para malabanan ang mga kasalukuyang hamon sa bansa.

“Marami po ang nawalan ng trabaho, marami po ang nagsara na negosyo, kaya mga kababayan ko, magpabakuna na po kayo, para naman po ito sa kapakanan nating lahat.”

“Magtiwala lang ho kayo sa gobyerno. Kami po ni Pangulong (Rodrigo) Duterte, ginagawa po namin ang lahat sa abot ng aming makakaya upang malampasan po natin itong krisis na ating kinakaharap sa ngayon,” ayon sa senador.

Sa nasabing aktibidad na isinagawa sa DSWD Central Office sa Batasan, Quezon City, umaabot sa 1,114 benepisyaryo ang binigyan ng mga makakain, masks, face shields at vitamins.

Isa sa driver na si Federico de Guzman, Jr., ang labis na nagpasalamat sa gobyerno at kay Go sa mga suportang kanyang natanggap.

“Nagpapasalamat ako sa gobyerno at sa Pangulong Duterte sa pagbibigay ng ayuda na ngayon ko lang natanggap kaya malaking kaluwagan (sa amin ito). Sa DSWD, nagpapasalamat ako dahil malaking tulong sa pamilya ko at tsaka sa aming gastusin sa araw-araw,” ani Guzman.

“Alam kong hirap na kayo pero konting tiis lang po, mga kababayan ko. Patuloy tayong magtulungan at magmalasakit sa kapwa natin. Sino ba naman magtutulungan kundi tayo lang kapwa Pilipino,” ang pahayag naman ni Go.

The post NCR transport workers inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
NCR transport workers inayudahan ni Bong Go NCR transport workers inayudahan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Hunyo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.