WINALIS ng Milwaukee (3) ang Miami (6) sa unang round ng NBA Eastern playoffs. Sa 2nd chapter naman na-sweep ng Phoenix (2) ang Denver (4) sa West.
Silang dalawang koponan ang nakapagtala ng malinis na rekord sa post-season ng pinakasikat ng liga sa buong mundo.
Pero mahihirapan na siguro may makagawa pa niyan sa Conference Finals. Pukpukan na ng todo yan. Matira matibay baga.
Pinakamahigpit na serye sa mga sumandiling ito ang Clippers vs Mavericks na umabot ng 7 games. Sa first 5 games parating visiting team ang nagwawagi. Sa ikapito lang nakabawi ang home squad.
***
Yung finalists noong isang taon parehas naolat sa unang yugto pa lamang. Hayun maaga nagbakasyon ang Heat at Lakers nitong 2021. Binansagan pa tuloy sila ni Charles Barkley na “bubble gangsters” dahil sa sila naglaban dati para sa korona nguni’t ang aga naman nawala sa picture ngayon.
Kakainggit ang Estados Unidos dahil balik-venue na ang fans sa NBA nitong playoffs. Lumuwag na kasi sa kanila ang health protocols dahil may 100 milyon na sa kanila ang naturukan. 55% na sa kanilang mga adult population ang tumanggap na ng bakunang anti-COVID. 39% naman ng mga nasa hustong gulang ang dalawang dose na ang nabigyan.
Sa atin 4% pa lang ng kabuuang bilang ng mga Pinoy ang may injection na samantalang 2% pa lang ang nakakumpleto ng vaccination.
Sige huwag na natin sa USA ikompara dahil sasabihin ng iba mayamang bansa yan. Tingnan natin ang mga numero dito sa SEA. Naku pangwalo lang po tayo sa sampung bansa sa rehiyon sa dami ng may proteksyon na sa China veerus.
Ang Vietnam at Myanmar lang ang naungusan ng Pinas. Yung Indonesia at Thailand na halos kapantay natin ang ekonomiya ay daig tayo.
Hala malayo pa talagang makabalik tayo sa Big Dome, MOA at iba pang arena ng PBA, UAAP, NCAA at iba pa.
***
Abangan sa Lunes ng hapon sa OKS@DWBL si Doland Castro na magiging espesyal nating panauhin.
Nag-early retirement na siya sa ABSCBN kaya hindi na natin napapanood sa TV Patrol. Ang mahilig sa target shooting at biking na media man ay planong pasukin ang pulitika sa 2022. Nais maglingkod ng kapwa Tomasino sa konseho ng QC. Botante siya sa unang distrito ng lungsod.
The post Linis-walis! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: