Facebook

Sundalo patay sa engkwentro sa CamSur

NAGA CITY- Isa ang nalagas sa hanay ng Philippine Army sa engkwentro sa paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Pasacao, Camarines Sur.

Kinilala ang nasawi na si Sergeant Norley Bare, 38 anyos, may asawa, nakadestino sa Bravo Company, 96IB-PA sa nasabing bayan at residente ng Sta. Elena, Camarines Norte. Nagtamo ito ng tama sa likod.

Sa report, 1:00 ng hapon nitong Sabado, Hunyo 12, habang nagsasagawa ng combat operation ang tropa ni 1Lt. Brylle Kay Iglesia, Company Commander ng Bravo Company, sa bulubunduking bahagi ng Barangay Salvacion nang makasagupa ang hindi pa matukoy na bilang ng mga rebelde.

Umabot sa 5-minuto ang palitan ng putok, ayon sa ulat ng PNP- Pasacao. Tumakas ang mga rebelde patungo sa direksyon ng Tinalmud.

The post Sundalo patay sa engkwentro sa CamSur appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sundalo patay sa engkwentro sa CamSur Sundalo patay sa engkwentro sa CamSur Reviewed by misfitgympal on Hunyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.