
HINDI pa maaring alisin ang lockdown restrictions sa National Capital Region (NCR) Plus kahit na bumababa na ang covid cases dito.
Sinabi ni treatment czar at Department of Health (DOH) Usec. Leopoldo Vega, na bagama’t bumababa na ang covid cases sa NCR plus ay patuloy naman ang pagtaas nito sa Visayas at Mindanao.
Dagdag pa dito ang banta ng Delta variant na pinaniniwalaang mas mabilis kumalat kaya naman doble ingat ang pamahalaan na huwag na itong kumalat pa dahil sa ngayon ay may 17 kumpirmadong kaso ng Delta variant sa bansa.
“Wala pa tayo sa out of the woods. Hindi pa tayo nakakalabas kasi gradual decrease natin kasi dahan-dahan pang bumababa. At saka may variant of concern, ‘yung sinasabi nilang Delta variant. Although wala pa sa local setting, pero ito ‘yung talagang binabatanyan natin. Kaya huwag tayong…not off the guard. Huwag tayong magkumpinyasa talaga,” ani Vega.
Dagdag pa ni Vega, dahil mataas ang covid cases sa Visayas at Mindanao ay nagpadala ng medical equipment ang DOH sa mga ospital doon. (Jonah Mallari)
The post Lockdown restrictions sa NCR Plus’ di pa puede alisin – DOH appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: