NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 6,096 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Linggo, Hunyo 27.
Samantala ay mayroon namang naitalang 6,912 na gumaling at 128 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.8% (52,570) ang aktibong kaso, 94.5% (1,321,050) na ang gumaling, at 1.74% (24,372) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 25, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.81% sa lahat ng samples na naitest at 0.86% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 6,096 bagong kaso; 6,912 gumaling; 128 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: