NASA Department of Health (DOH) na ang P9.2-B na risk allowance para sa mga health workers makaraan na i-release ito ng Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ni DBM Assistant Sec. Kim Robert De Leon, noon pang Hunyo 25 nailabas ng DBM sa DOH ang naturang pondo para sa P5K buwanang risk allowance ng nasa 300K health workers sa bansa mula sa pribado at pampublikong mga ospital.
Ayon kay De Leon, ang buwanang allowance na ito ay para sa mga buwan ng Disyembre 2020 hanggang ngayong Hunyo.
Gayunman, sinabi ni De Leon na inaasahan na abutin pa ng hanggang Hunyo 30 bago ito mai-release ng DOH.
Ang nasabing SRA o special risk allowance ay nagmula sa Bayanihan 2 o Bayanihan To Recover As One Act na nakatakda namang mapasok sa Hunyo 30.
Una rito, umani ng batikos ang DBM dahil sa tagal nang pag-release ng SRA dahil sa oras na mapaso ang Bayanihan 2 ay ibabalik na sa Bureau of Treasury ang mga unobligated funds na nakapaloob dito.
The post P9.2-B allowance ng health workers nasa DOH na – DBM appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: