KUMPIYANSA ang Octa Research Group na makakamit ng National Capital Region (NCR) Plus ang herd immunity sa darating na Disyembre kung hindi kakalat ang pinangangambahan na Delta variant sa bansa.
Ayon kay Fr. Nicanor Austriatico, miyembro ng Octa Research Group, sa ngayon ay may 17 kumpirmadong kaso ng Delta variant sa bansa kaya todo ang paghahanda ng pamahalaan upang hindi na ito kumalat pa.
Dahil dito, target ng pamahalaan na mabakunahan ang 58 milyon na Pinoy upang maabot ang herd immunity subalit sa ngayon ay nasa 3.87 pa lang ang fully vaccinated.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na layon nilang makapagpabakuna ng 108,000 katao kada araw sa Metro Manila, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao. (Jonah Mallari)
The post Herd immunity sa NCR Plus posibleng makamit sa Disyembre appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: