MARIING kinontra ni Vice President Leni Robredo ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga sibilyang anti-crime volunteers para tumulong sa gobyerno sa pagsugpo ng krimen.
Giit ng Bise Presidente, masyadong delikado ang pag-aarmas sa mga civilian volunteers dahil malaki ang posibilidad na ito ay maabuso.
Aniya, hindi basta basta ang pag-aarmas dahil may kaakibat itong malaking responsibilidad at pananagutan.
Sa halip, ayon kay Robredo, dapat na maging “preventive” ang aksyon ng gobyerno kung saan mahalaga ang involvement ng mga tao.
Samantala mahigpit din na tinututulan ni Senador Panfilo Lacson ang panukala ng Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang ilang civilian organization partikular ang tinaguriang anti-crime volunteers.
Iginiit ni Lacson na ang nasabing hakbang ay magpapataas lamang ng krimen lalo nat kung walang ramang training at hindi maayos ang pag-iisip nang paghahawakin ng armas.
Binigyang diin ni Lacson na mas epektibong solusyon sa patuloy na paglaganap ng krimen ang mas mahigpit na gun control measure o kaya ay kanselahin ang permits to carry firearms outside residences.
Nuong panahon aniya niya bilang PNP Chief ay nilimitahan niya ang pag i-isyu ng permits to carry firearms outside residences at tanging nakakakuha nito ay mga pumapasa sa mga alintuntunin na kinabibilangan ng gun safety seminars, practical at neuro psychiatric tests at pinakamahalaga ay ang personal appearance ng mga aplikante.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!
The post Pag-aarmas sa civilian volunteers, tinutulan ni VP Robredo at Sen. Lacson appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: