Facebook

Colonel Arguelles, kumpirmadong talamak jueteng ni alyas ‘Renel’ sa Rizal

TOTOO ang ibinunyag ng Bigwas! dito sa Police Files Tonite tungkol sa lantaran at garapal na operasyon ng jueteng ng isang alyas “Renel” sa lalawigan ng Rizal.

Ayon sa beteranong journalist kahit sukdulan ang pag-atake ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19) sa Lungsod ng Antipolo at mga bayan sa Rizal ay hindi tumigil ang jueteng kahit isang beses.

Ayon sa impormasyong nakarating sa BIGWAS!, tatlong beses ang bola ng jueteng ni alyas Renel kada araw.

Ang sabi pa, 40 numero ang pagpipiliang numero upang manalo sa jueteng ni alyas Renel.

Pokaragat na ‘yan!

Malawak ang sakop ng jueteng dahil ayon sa nakabasa sa paksa ng Bigwas! ukol sa jueteng na retiradong radio reporter ay aabot daw ang operasyon ng nasabing iligal na sugal hanggang sa Pililla, Rizal.

Pokaragat na ‘yan!

Napakalayo ng Pililla!

Hindi sagka ang distansiya ng lugar kahit iligal ang negosyo, sapagkat ang mahalaga rito ay kikita ng limpak – limpak na salapi araw-araw.

Tatlo pa rin ang bolahan ng jueteng sa Pililla tulad sa ibang bayan sa Rizal.

Hanggang sa araw na ito ay idiniin ng source ng Bigwas! na ang gambling lord na si alyas Renel ang may hawak ng jueteng sa Rizal.

Hindi naman nagtataka ang beteranong journalist sa talamak, lantaran at garapalang pajueteng dahil matagal nang bahagi ito ng buhay sa Rizal.

Ang ikinadidismaya ng journalist at maging ng iba pang residente sa Rizal ay ang malinaw na kapabayaang ginawa ng Philippine National Police (PNP) sa Rizal na pinamumunuan pa rin ni Colonel Joseph Arguelles.

Dahil sa kawalan ng aksyon laban sa jueteng, napahiya ang PNP sa mamamayan.

Dahil hindi sinita at hinuli ang mga kubrador ni alyas Renel, napahiya ang PNP.

Kung mayroon mang ginawa si Colonel Arguelles laban sa jueteng, hindi ito naramdaman ng mamamayan ng Rizal dahil hindi maipagkakailang namayagpag ang jueteng sa Rizal kahit masahol ang pananalasa ng COVID – 19 sa nasabing lalawigan.

Hindi rin niya napahuli ang mga bataan ni alyas Renel at mismong Renel na ito.

Ano po kaya ang katwiran at paliwanag ni Colonel Arguelles?

Sa kabila ng kapalpakan ni Colonel Arguelles, hindi siya tinanggal ng bagong talagang regional director ng PNP – Calabarzon na si Brigadier General Eliseo DC Cruz.

Ang ibig sabihin ng Calabarzon ay Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon kung saan kabilang ang Rizal.

The post Colonel Arguelles, kumpirmadong talamak jueteng ni alyas ‘Renel’ sa Rizal appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Colonel Arguelles, kumpirmadong talamak jueteng ni alyas ‘Renel’ sa Rizal Colonel Arguelles, kumpirmadong talamak jueteng ni alyas ‘Renel’ sa Rizal Reviewed by misfitgympal on Hunyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.