Facebook

Mga politiko atat sa corruption!

Mabulaklaking pananalita sa panahon ng kampanyahan at karaniwang litanya ng mga kandidato ay matuldukan ang kurapsiyon kapag sila ay nahalal subalit ang reyalidad ay ang pagiging “atat” ng mga politiko sa kanilang makukulimbat bilang kapalit sa nilustay nilang salapi sa pang-eengganyong sila ang ihalal ng sambayanan sa araw ng eleksiyon.

Iyan ang masakit na katotohanan sa hanay ng mga politiko na mayorya sa kanila ay paimbabaw lamang ang mga talumpating kaisa sila sa kampanya laban sa katiwalian o kurapsiyon…, dahil ang panukalang batas na sususog sa pagpapatigil ng kurapsiyon ay tinutulugan lamang sa plenaryo.

Nitong Linggo (June 27) sa BALITAAN SA MAYNILA FORUM VIA ZOOM na ang mga moderator ay ang mga VETERAN JOURNALIST na sina DAVE VERIDIANO at ANGELO ALMONTE ay naging paksa ang posibleng mga solusyon sa katiwalian sa naging pagharap ng guest na si SENATOR PANFILO “PING” LACSON.

Naihayag ni SEN. LACSON na makailang beses na umano siyang naghahain ng panukalang pag-amiyenda ng BANK SECRECY ACT na ang lahat ng GOVERNMENT OFFICIALS at EMPLOYEES ay hinde dapat masakop nitong batas…, yun nga lang ay hinde ito sinusuportahan ng mayorya at hinde binibigyan ng panahon upang matalakay ang isyung BANK SECRECY.

“Kapag pumasok ka sa gobyerno, hinde puwedeng mag-invoke ng bank secrecy act, dapat open ka.., ang problema, mga ilang congress ko rin ipinapasa yan everytime magpapalit ng Kongreso nire-refile ko pero hinde talaga umaandar,” pahayag ni SEN. LACSON.

Ika nga e “read in between the lines” na lamang.., na marami sa mga mambabatas ang hinde pumapabor sa ninanais ni LACSON sa pagiging TRANSPARENCY sa lahat ng mga nanunungkulan sa gobyerno.

Ang BANK SECRECY ACT na ipinasa noong 1955 ay nagbibigay proteksiyon sa seguridad ng lahat ng mga depositor na hinde maaaring busisiin ninuman maliban na lamang kung papayag ang depositor o kung mag-aatas ang korte para sa bank accounts examination.

Sa Senate Bill 26 na ipinapanukala ni LACSON subalit tinatanggihan ng kaniyang mga kasamahang mambabatas dahil nagsasaad na ang lahat ng mga ELECTIVE o APPOINTIVE OFFICIALS at maging government officials mula sa PRESIDENT hanggang sa lowest-ranking employee ay hinde dapat ipinangsasanggalang ang BANK SECRECY ACT kundi awtomatikong bukas ang mga ito sa paglalahad sa kanilang.mga taglay na yaman.

Ang pinakamalaking business organization sa bansa na PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY (PCCI) ay sumusuporta sa agarang pagpasa ng BANKING SECRECY ACT AMMENDMENT dahil ito ang solusyon sa paglaban ng illegal financial transactions ng mga mandarambong sa gobyerno.

Maging si BANGKO SENTRAL GOVERNOR BENJAMIN DIOKNO ay pabor sa pag-amiyenda ng BANK SECRECY ACT upang matuldukan ang mga UNLAWFUL ACTIVITY ng mga GOVERNMENT OFFICIAL.

Dahil sa SECRECY LAW ay namamayagpag pa rin ang CORRUPTION sa gobyerno gayong kada magpapalit ng administrasyon ay laging kampanya sa ANTI-CORRUPTION ang ibinabandera; subalit palpak pa rin dahil maging sa mga piitan tulad sa BILIBID PRISON sa MUNTINLUPA ay namamayagpag at malayang nakapag-ooperate ang mga PRESONG DRUG LORDS sa pakikipagkutsabahan ng mga tiwaling JAIL PERSONNEL…, na dapat ay mabago rin ang polisiya sa mga preso.., ipagbawal ang personal contact o harapan ng mga dalaw at preso, sa halip ay itulad ang sistema ng mga piitan sa Amerika na ang preso at dalaw ay naghaharap sa pagitan ng makapal na salamin at nakapag-uusap lamang sa pamamagitan ng telepono. Ipagbawal ang pagkakaroon ng celfone ng mga preso.

Sa nasabing forum ng BALITAAN SA MAYNILA ay naihayag din ni LACSON na kailangan ding mapagtuunan ng mahahalal na PRESIDENT ng ating bansa sa 2022 ang JUDICIARY SYSTEM, dahil sandamakmak na ang mga ebidensiya ay napawawalang sala pa ang mga BIG TIME PERSONALITY…, at ang isa sa sistemang pantulong sa pagsugpo ng katiwalian ay ang DIGITALIZATION SYSYEM sa ating bansa…, yun nga lang, may mga monitoring CCTV CAMERA e pinapatay naman kapag ang mga magkakakutsabang opisyal ay magsasagawa ng kanilang mga modus operandi…, KABOOM!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Mga politiko atat sa corruption! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga politiko atat sa corruption! Mga politiko atat sa corruption! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.