Facebook

Lugmok na sari-sari store owners, inayudahan ni Bong Go

INAYUDAHAN ng grupo ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga sari-sari store owner sa General Luna, Siargao Island, Surigao del Norte matapos malugmok ang kanilang kabuhayan dulot ng COVID-19.

Umaabot sa 169 store owners ang binigyan ng mga makakain, bitamina, masks at face shields na panlaban sa COVID-19 sa General Luna Municipal Gym.

May mga nakatanggap ng bagong sapatos at bisikleta na magagamit nila sa pagtatrabaho habang nabigyan ang ilan ng computer tablets upang ang kanilang mga anak ay may magamit sa online o blended learning approach.

“Alam kong sa panahon ngayon, marami ang nawalan ng trabaho at nagsara na negosyo. Bawat tao na apektado ay may pamilyang binubuhay at pinapakain. Paigtingin pa natin ang ating pagtutulungan at malalampasan din natin ang krisis na ‘to bilang isang mas matatag na bansa,” sabi ni Go sa kanyang video message.

Sa hiwalay na distribusyon ng ayuda, namahagi naman ang Department of Social Welfare and Development sa bawat store owner ng financial assistance sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program nito bilang bahagi ng pagsuporta ng gobyerno sa mga sektor na labis na naapektuhan ng pandemya.

Ang mga kawani naman ng Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry at Technical Education and Skills Development Authority, ay nangakong magkakaloob ng karagdagang tulong base sa kani-kanilang programa sa sandaling matapos ang isinasagawang assessments sa mga benepisyaryo.

Muli ay hinimok ng senador ang bawat isa na magpabakuna na upang malabanan ng kanilang komunidad ang pagkalat ng virus at marating ang herd immunity sa lalong madaling panahon.

“Ang bakuna ang susi upang unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay. Ngayon, binabakunahan na natin ang mga essential workers o economic frontliners para sumigla muli ang ating ekonomiya.”

“Binabalanse ng gobyerno ang lahat. Siyempre pinakaimportante ang buhay ng bawat tao pero naiintindihan namin na kailangan niyo rin maghanapbuhay, lalung-lalo na ‘yung mga ‘isang kahig, isang tuka’. Kaya mga kababayan, tulungan niyo ang pamahalaan at magtiwala tayo sa bakuna,” ayon sa mambabatas.

Noong April 13, nagsagawa rin ng kaparehong aktibidad ang opisina ni Sen. Go sa 800 typhoon-hit residents sa General Luna Elementary School. (PFT Team)

The post Lugmok na sari-sari store owners, inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lugmok na sari-sari store owners, inayudahan ni Bong Go Lugmok na sari-sari store owners, inayudahan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.