Facebook

Puwersa ng demokrasya

MAY mga obserbasyon sa public event noong Sabado, ika-12 ng Hunyo, ng 1Sambayan, ang koalisyon ng lakas maka-demokrasya ng bansa. Una, matibay ang constituency ng puwersa ng demokrasya sa bansa. Hindi ito nababasag ng puwersa ng awtoryanismo (o populismo) ni Rodrigo Duterte. May sarili itong tinig at madali silang nadinig at nadama sa social media.

Malakas ang tinig ng puwersang demokratiko sa bansa at kahit ang social media ay natulig sa tindi ng mga damdamin na ipinahayag ng mga netizen. Alam ni Grace Poe, isa sa pangalan ng pinagpipilian ng koalisyon. Ilang beses na nagpabalik-balik si Grace Poe sa mga lider ng 1Sambayan upang sabihin na huwag alisin ang pangalan sa talaan ng nga mga pinagpipilian.

May lumabas na pahayag si Grace Poe na hindi siya tatakbo sa 2022. Hindi niya sinabi ng malinaw kung hindi siya tatakbo sa ilalim ng 1Sambayan, isang posibilidad na maaaring mangngyari dahil sa pagtutol sa kanya ng mga nasa ibaba ng puwersang demokrasya. Hindi niya sinabi kung tatakbo siya sa ilalim ng alinman sa mga lapian at grupo ng nalulusaw ng koalisyon ni Duterte.

Ikalawa, nakakagulat na biglang nawala ang init, ingay, at alab ng tinig ng mga taong kumakatawan sa puwersa ng demokrasya ng bansa. Pagtapos ng isang araw, bahagya ang tinig sa soc-med. Humina pagtapos malaman na walang desisyon si Bise Presidente Leni Robredo kung lalaban o hindi sa panguluhan sa 2022. Sa madali, nananatili nakabitin ang puersang demokratiko sa balag ng alanganin. Hostage sila ni Leni.

Nawala ang excitement ng isa-isang nagpahayag na hindi tatakbo sa panguluhan si Nancy Binay, Vilma Santos-Recto, at Grace Poe. Naunang kumalas si Isko, ngunit hindi siya binibigyan ng pansin dahil hindi siya totoong opososisyon at kilala siya bilang bataan ni Duterte. Hindi siya pinag-usapan o bahagi sa mabusising talakayan ng puwersang demokratiko.

May mga mungkahi upang manatili ang 1Sambayan bilang isang institusyon na gagabay sa puwersang demokratiko nga bansa. Hindi ito dapat mapailalaim sa timetable na sinuman sa mga kandidato na nasa talaan. Kung kailangan ng pumili ng kandidato, dapat itong gawin upang magkaroon ng sapat na panahon sa paghahanda sa 2022. Hindi kailangan dumating ang Septiyembre, ang buwan na sinabi ni Leni na magpapahayag kung tatakbo o hindi sa 2022. Mas maaga mas mabuti.

***

SAPAGKAT patapos na ang gobyernong Duterte, inaaasahan na hihirangin ni bugnutin sa mga bukas na sangay at tanggapan ng pamahalaan ang mgak apanalig, kaalayado, kaibigan, kamag-anak, kalalawigan, kasiyudad, at mga kasapakat sa raket at krimen. Sila mga nandiriyan sa gobyerno ngunit humingi ng kasiguraduhan kapag wala na sa puwesto si Duterte. Pipilitin na hindi sila masama sa mga “midnight appointment,” o isang paghirarang eksaktong dalawang buwan bago magdaan ng halalan sa 2022.

Isa sa mga mahalagang sangay ng gobyerno ng maaaring lagyan ng kasiyudad o kalalawigan, o kaibigan ang Commission on Audit. Sa Saligang Batas, binubuo ng isang chairman at dalawang commissioner ang liderato ng CoA. Ngunit dalawa sila: Michael Aguinaldo, chairman; at Poland Pondoc, commissioner. Nakatakdang magretiro si Aguinaldo sa ika-2 ng Pebrero, 2022. May pitong taon ang termno ng chairman at commissioner sa CoA.

Inaasinta ni Antonette Tionko, DoF undecretary for revenue operations, ang isa sa mabakanteng puwesto sa CoA. Ngunit malaki ang kanyang problema ni Tionko. Hindi lumaki ng koleksyon ng buwis sa ilalim ng kanyang pamumuno upang mailagayag siya bilang chairman or commissioner ng CoA. Bagkus, bumagsak ing matindi upang maging dahilan ng malakihang pangungutang ng gobyerno sa loob at labas ng bansa.

Maraming galit kay Tionko sa loob at labas ng burukrasya. Hindi siya dumating nang isalang sa panayam ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa lugar mahistrado na papalit kay Chief Justice Alexander Gesmundo. Hindi siya nagpaliwanag sa hindi pagsipot. Umabot sa 11 ang nabalitang tumutol sa kanyang nominasyon. Aplikante siya sa puwesto at hindi nanomina

***

TROPANG BASAG ANG PULA. Naalaala ba ninyo si Francis Tolentino gustong dagdagan ng isang bituin ang watawat ng Filipinas, o si Dick Gordon na nais dagdagan ng isa pang sinag ang watawat pa rin ng bansa. Sino ang makakalimot kay Tito Sotto na gustong palitan ang ilang linya ng pambansang awit, si Duterte na gustong palitan ang pangalan ng Filipinas ng Maharlika. Pamatay rin si Rodente Marcoleta na pinalitan ang pamagat ng pambansang awit “Lupang Hinirang” at ginawang “Bayang Magiliw.”

***

NAUUNAWAAN namin an g aming kaibigan na si Bobot Fradejas. Hindi siya natutuwa sa asta at asal ng ilang kapanalig ni Leni Robredo na sa tingin nila ay pag-aari nila si Leni. Sila ang tingin sa sarili ay may prankisa sa brand Leni at magagawa nila ang kanilang gusto. Ipinapahiya sila ni Bobot. Para kay Bobot, hindi tama ang kanilang baluktot at hungkag na paniniwala na ipagtanggol si Leni kahit mali. Kasama kami sa mga netizen na naniniwala na hindi dapat gawing hostage ang kanyang mga tagasuporta. Sabihin niya ng mas maaga kung hindi siya tatakbo.

***

QUOTE UNQUOTE: “That’s why the country needs a smart opposition – one that can tap the zeitgeist of rage and longing for a better life. The country needs an opposition that will not only launch a moral campaign against this rising tyrant. The country needs an opposition that will launch a campaign based on good governance, our inalienable rights vs an encroaching China, and on competence – because as people’s experience with this pandemic has told them, it’s the incompetence that kills.” – Julio Teehankee, netizen

“The pandemic exposed just how badly we need to invest in the foundation of our country, and in the working people of our country. That’s why we proposed the American Jobs Plan—we need to make generational investments today to succeed tomorrow.” – Joe Biden

The post Puwersa ng demokrasya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Puwersa ng demokrasya Puwersa ng demokrasya Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.