TAPOS na sa Biyernes, June 10, ang Manila COVID-19 Field Hospital, sampung araw na mas maaga sa target na 60-day deadline. Ito ay ayon sa anunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na nagsabi rin na magiging operational na ang ika-7 ospital ng lungsod sa mismong selebrasyon ng ika-450 taon ng pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila sa June 24.
“This seventh hospital of ours will be our gift to the people of Manila. Our special thanks to City Engineer Armand Andres and the workers who expeditiously constructed the hospital round-the-clock,” pahayag ni Moreno kasabay ng pasasalamat niya rin kina City Architect Pepito Balmoris at City Electrician Randy Sadac.
Ayon kay Moreno ang nasabing operasyon ay magsisimula kasabay na rin ng pagpupuno ng kakailanganing kawani para sa mga dry-run operations.
Matatandaan na inutos ni Moreno ang pagtatayo ng COVID Field Hospital bilang paghahanda sa inaasahang surge ng coronavirus cases sa mga darating na buwan at bilang hakbang upang paluwagin ang anim na pinatatakbong ospital ng lungsod mula sa COVID cases para maituon naman nila ang kanilang pansin sa ibang pasyente na nasa critical o severe condition at iba pang mga sakit. Ang two-month self-imposed deadline ay sa June 20.
Gaya ng plano, sinabi ni Moreno na ang field hospital ay magsisilbi sa mga COVID-19 patients na mild at moderate cases, habang ang mga asymptomatic naman ay dadalhin sa quarantine facilities upang ihiwalay sila sa kanilang mga kasama sa bahay upang maiwasan ang pagkakahawa-hawa sa pamilya.
Ayon pa sa alkalde ang COVID hospital ay resulta ng brainstorming nila ng kanyang bise alkaldeng doktor na Honey Lacuna at ng mga health experts.
Ang ika-7 ospital ay matatagpuan sa 2.6-hectare lot sa Burnham Green area ng Luneta Park, sa harapan mismo Quirino Grandstand at malapit sa free drive-thru swabbing center ng Maynila.
Ito ay may 344 bed capacity at mayroong mga kinakailangang equipment at facilities na kailangan ng isang pasyente may COVID kabilang na ang oxygen tanks, ambulances ay medical frontliners, ito ay kung sakaling ang mga moderate symptoms ay mauwi sa severe cases.
Ang araw-araw na konstruksyon ng COVID-19 Field Hospital ay nagsimula noong April 20 kung saan daan-daang manggagawa ang pinakilos ni Andres. (ANDI GARCIA)
The post Manila COVID-19 Field Hospital, tapos na sa Biyernes — Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: