Facebook

Mayor Ina Alegre-Cruz, namigay ng tablet sa mga iskolar ng bayan

NAMIGAY ng mga tablets ang pamahalaang lokal ng Pola para sa mga iskolar ng bayan sa kanilang online classes.

Inanunsiyo din ni Pola Mayor Jennifer “Ina” Alegre-Cruz na naglalaan ang lokal na pamahalaan ng pondo para sa darating na pasukan na face to face classes. Nagpasalamat ang mga magulang at estudyante sa tablet na magagamit sa kanilang pag-aaral. Nagbigay din ng 24 na wheel chair ang alkalde sa tulong na rin ni PCSO General Manager Royina Garma para sa may kapansanan na nangangailangan at nagbigay din 50,000 cash kay Pastor Molo ng Matulatula para sa pagpapaayos ng simbahan na nasabing bayan. Malapit na ring pasinayaan ang kauna-unahang Hospital ng Pola, kung saan nauna ng pinasinayaan ang kauna-unahang Community College sa Pola ilang buwan palang ng maupo si Mayor Ina na ipinagpasalamat ng mga Poleñeos. Samantala tuloy-tuloy ang mga proyektong pang imprastraktura gaya ng pagkokongreto sa mga tulay at kalsada mula sa kabundukan hanggang sa kanayunan para yong kalakal sa kabundukan para madali ng maibaba sa kapatagan mula sa kabundukan para sa tuloy-tuloy na kaunlaran ng bayan ng Pola.

Subaybayan natin!

Samantala mmainit namang pinag-uusapan ngayon saan mang sulok ng Oriental Mindoro ang problema kung paano matulungan ang mga mahihirap na apektado ng Covid-19 pandemic. Ayon sa kanila wala umanong pakundangang paggasta sa pagbili ng mga backhoe at 10- wheeler dump truck, lalo’t isa umano ang probinsiya sa umanoy namomoblema kung paano makabili ng bakuna kontra Covid-19. Ni higaan nga raw ng mga pasyente sa provincial hospital kulang ? Sana raw ginamit na lamang ang halos P60 milyon sa pagpapagawa ng kalsada, pagpapatayo ng ospital, pagpapatayo ng eskwelahan, ayuda sa mga mag-aaral, tulong sa mga senior citizen at ayuda sa mga magsasaka at mangingisda. Ipinakita lamang umano ng administrasyon ang kawalan umano ng “konsensiya” sa panahon ng pandemya kung saan hindi pa nakakabangon ang mga mindoreño mula sa nagdaang malalakas na bagyo. Dapat nakatutok umano ang administrasyon sa pagbibigay ng ayuda sa mga naghihikahos. Ang utos ng Republic Act (RA) No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, tulungan ang mga mamamayan na naghihikahos pero mukhang kabaliktaran yata ang ginawa ni Mr. asyong aksaya.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.

Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post Mayor Ina Alegre-Cruz, namigay ng tablet sa mga iskolar ng bayan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mayor Ina Alegre-Cruz, namigay ng tablet sa mga iskolar ng bayan Mayor Ina Alegre-Cruz, namigay ng tablet sa mga iskolar ng bayan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.