NAHAHARAP ngayon sa kasong ‘Grave Threat’ si dating Camarines Sur Congressman Rolando “Nonoy” Andaya, Jr.
Ito’y matapos pagbantaan ng dating mambabatas ang buhay ng tatlong indibidwal sa hindi malamang dahilan.
Kinilala ang mga biktima na sina Gerald Badola, 39 anyos; Raymond Brimon, 35; at Christopher Balbalosa, 30.
Sa ulat ng San Fernando Municipal Police Station, armado ng baby armalite si Andaya at ang mga hindi pa nakikilalang kasamahan nito nang pagbantaan ang nasabing mga indibidwal.
Sa report ng pulisya, pinagmumura at pinagbantaang papatayin ng dating kongresista sina Badola, Brimon at Balbosa.
Nagpapatuloy pa imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.
Kamakailan ay napaulat din na sinugod ni Andaya ang demolition team para sa pagtatayuan ng proyekto ng provincial government.
Napaulat din na tinambangan si Andaya ilang araw lang ang nakalilipas.
The post Ex-Cong. Andaya nagwala uli, binantaan papatayin ang 3 lalaki appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: