Facebook

Kapitan ng barangay sa Batangas patay sa ambush

ISANG barangay kapitan ang pinaslang ng riding in tandem criminals sa may Barangay 6, Lipa City, Batangas, nitong Miyerkoles ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Cesar Catibog, 68 anyos, may asawa, kapitan ng Bgy. Pagolingin East, Lipa City.

Sa ulat ng Lipa City Police, ang mga salarin ay dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklong Honda na kulay itim at orange na walang plaka.

Nangyari ang insidente 7:40 ng umaga sa may P. Torres st., Bgy 6, pagkababa ni Catibog sa barangay patrol na puting Nissan Navarra (F3 Z891) na minamaneho ng kanyang driver na si Joseph Surco, nang sumulpot ang riding in tandem at pinagbabaril ng ilang beses ang biktima na nasapul sa ulo. Mabilis na tumakas ang riding in tandem patungo sa direksyon ng Lipa City Proper.

Ang biktima ay dinala ng kanyang driver sa NL Villa Medical Center pero hindi na ito umabot ng buhay.

Nakita ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang 2 bala ng kalibre .45, isang slug ng cal. 45.

Patuloy pang nagsasagaw ang imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Koi Laura)

The post Kapitan ng barangay sa Batangas patay sa ambush appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kapitan ng barangay sa Batangas patay sa ambush Kapitan ng barangay sa Batangas patay sa ambush Reviewed by misfitgympal on Hunyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.