Facebook

NPA tigok sa bakbakan, 6 nakatakas sa Laguna

LAGUNA – Isa umanong miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang nasawi habang anim sa kanyang mga kasamahan ang nakatakas matapos magkasagupa ang mga elemento ng Provincial Intelligence Unit (PIU) at 202nd Unifier Brigade (202Bde) sa Barangay De La Paz, Luisiana.

Sa inisyal na ulat ni PIU Chief, Lt. Col. Arvin Avelino, kay Laguna PNP Provincial Director Col. Serafin Petalio II, bandang-1:00 ng umaga nitong Miyerkules nang maganap ang insidente.

Nagsasagawa ng (strike operation) 1IB “Target Packet Luisiana” ang mga operatiba nang matunton ng mga ito ang safehouse ng mga NPA at nagkabakbakan. Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok bago tumakas ang mga rebelde, kungsaan naiwan ang isang bangkay na inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan nito.

Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang isang M1 Garand Rifle at mga personal na kagamitan ng mga.

Tinutugis pa ng mga operatiba ang mga tumakas na rebelde patungo sa kabundukan ng Quezon.(Dick Garay)

The post NPA tigok sa bakbakan, 6 nakatakas sa Laguna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
NPA tigok sa bakbakan, 6 nakatakas sa Laguna NPA tigok sa bakbakan, 6 nakatakas sa Laguna Reviewed by misfitgympal on Hunyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.