Facebook

Pekeng pulis buking sa suot na sapatos!

ARESTADO ang isang 18-anyos na lalaki na may suot na athletic uniform ng PNP sa Barangay Bolinawan, Carcar City.

Kinilala ang dinakip na si Rory Joab Jumawan, residente ng 44 Mabini St., Barangay Parian, Cebu City, nagpakilalang miyembro ng PNP Ignatius Batch at nakadestino umano sa Police Regional Office, ngunit kinalaunan inaming hindi siya isang pulis.

Sa report, nagsasagawa ng daily patrol ang grupo nina Police Corporal Ruben Ybañez at Patrolman Gamallil Yanib ng Carcar City Police Station nitong Martes, June 8, 2021 sa Sitio Cambuntan, Barangay Bolinawan, habang nagpapatrolya din ang isang lalaki na athletic attire ng PNP.

Sa ulat, napansin ni Ybañez ang suot na sapatos ni Jumawan at dito siya nagduda na hindi nila ito kabaro.

Inimbitahan si Jumawan sa istasyon ng pulisya at doon nabatid na nagpupulis-pulisan lang si Jumawan.

Nakuha kay Jumawan ang isang caliber 9 mm replica, facemask at tube mask na may PNP marks.

Nahaharap si Jumawan sa kasong paglabag sa Usurpation of Authority dahil sa pagsusuot ng uniporme ng pulisya na hindi ito lehitimong pulis.

The post Pekeng pulis buking sa suot na sapatos! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pekeng pulis buking sa suot na sapatos! Pekeng pulis buking sa suot na sapatos! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.