Facebook

Bahay ng ex-provincial administrator at kritiko ng Antique Gov. pinasabugan

ISANG vintage bomb ang sumabog sa bahay ng dating provincial administrator na numero unong kritiko ng gobernador ng lalawigan ng Antique.

Ayon kay Police Major Rex Farren, hepe ng Sibalom Municipal Police Station, sumabog ang isang vintage bomb sa compound ng bahay ni Eric Otayde.

Ayon kay Farren, lumabas sa imbestigasyon ng Explosive and Ordinance Division na posibleng nakabaon ang vintage bomb sa compound ni Otayde.

Ngunit duda si Otayde dahil may nakitang nakamotorsiklo sa labas ng bahay na posibleng naghagis ng granada.

Si Otyayde ay nahigpit na kritiko ni Antique Gov. Rhodora Cadiao .

The post Bahay ng ex-provincial administrator at kritiko ng Antique Gov. pinasabugan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bahay ng ex-provincial administrator at kritiko ng Antique Gov. pinasabugan Bahay ng ex-provincial administrator at kritiko ng Antique Gov. pinasabugan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.