MARAMING kababayan natin ang hindi na maramdaman at di na rin maintindihan ang mga kuwento’t paliwanag ng mga CZAR na kanilang sina-saad kay Pangulong Digong Duterte hinggil sa problema ng virus na dulot ng covid19.
Ang pulong na ito ay nagaganap minsan o dalawang beses sa loob ng isang buwan na kung saan sina-salaysay ng mga Czar o mga kalihim kay Pangulong Digong ang nagiging progreso at mga problemang kasalukuyang kina-kaharap sa panahon ng pandemic.
Ayon sa ating mga kababayan, sinabi nila na palagi na lamang ganon ang tema ng diskusyon mula pa noong isang taon na kakasimula pa lang ng pandemic.
Masyado na daw monotonous at boring ang pinag-uusapanng isyu na iyon at iyon din, walang pinagkaiba at wala ring pinagbago.
Naguguluhan na rin daw sila at di na maintindihan ang mga sinasalaysay ng mga tinaguriang Czar sa Pangulo sa kadahilanang ito daw ay puro figure at numero na priniprisinta sa pamamagitan ng mga slides.
Ang tanging nauunawaan lang nila ay ang mga katagang ” next slide please ” na sinasambit ng bawat isang Kalihim, bukod sa katagang ito ay wala na raw silang naiintindihan pa, he… he… he…
Problema pa rin daw sa kanila ang kwentahin ang mga numerong dinidiga gaya na lamang ng bilang ng mga bakunang duma-dating galing sa kung saan-saan.
May milyon, libo, daan-daan ang dumadating sa araw-araw na kung susumahin ay sila-sila lang ang nakakaalam at naka-kaintindi.
Maliban sa mga bakuna, ganon din naman ang pinapaliwanag ng isang Kalihim at ito naman ay patungkol sa datos ng mga taong apektado ng covid10, kung ilan ang positibo at aktibo sa virus, kung ilan na ang gumagaling at kung ilan na rin ang namamatay.
Ang mga datos na ito ay matic na numero pa rin na pawang sila-sila lang nga ang nakakaintindi at nakaka-unawa, di po ba?
Mas lalo naman kakaiba itong Kalihim na ito na siya namang nakatoka sa pagkain kasama na ang supply, feeing program sa mga bata, mga kababayan nating mahihirap at gayundin ang pagpapakain sa mga kababayan nating buntis.
Wala daw problema at solve na daw dahil sa ang lahat ng ito ay natutustusan naman daw hindi lang basta pagkain kundi mga masusustansiyang pagkain na kinabibilangan ng carrot bread at meron din daw nutriban nira-rasyon.
Numero pa rin at mga figure sa pamamagitan ng mga slides ang kinekwento sa Pangulo ng Mamang ito. Sana naman daw ay magpakita rin ng larawan na sama-sama talagang kumakain ang mga bata at mga buntis gaya ng kanyang sinasaad sa kanyang mga slides.
Nakakagulat din daw kasi ang mga kuwento dahil wala naman tayong nakikita at nararamdamang kaganapan. Ang mga kapatid nga naman natin mga Badjao na galing pa ng Mindanao ay dumadayo pa ng Maynila upang mamalimos para may makain lang, mamamatay nga naman sila sa gutom kung mananatili sila doon.
Pinaka-grabe na siguro sa lahat at talagang naiiba ang isang Kalihim na ito na hindi natin alam kung anong departamento ang hinahawakan, bakit kamo?
Mantakin niyong walang ibang inulat at sinaad ito sa Pangulo kundi kinakamusta ka ni Governor ng ganon-ganyan, Mayor ng kung anu-anong bayan at lungsod na patuloy na naniniwala sa administrasyon…sipsip
Maliban sa mga pagbati at pangangamusta, wala ng ibang sinambit ang CZAR na ito. Hail and praises para sa Pangulo na para bang lumaki sa andador na kayang-kayang utuin at bolahin he… he… he…
Malamang na ang departamentong hawak nitong mamang ito ay Department of Hail and Praises with aspects of regards and dedication.
Maging sa quarantine status partikular na ang National Capital Region (NCR) na nasa GCQ na ay may kaakibat pa rin restriction, di ba magulo at komplikado?
Akalain mong marami ngang binuksan mga negosyo gaya ng mga salon at barberya pero naka face mask at face shield pa rin, di natin malaman kung ang mga barbero o mga customer ang dapat magsuot nito.
Papaano na lang daw kung magpapa-facial ka o magpapaahit? Bukas na rin ang mga gym at fitness center na may 50percent capacity, ganon din ang patakaran. Papaano kayang makakabuhat at papaano magi-inhale exhale?
Bukas na rin ang turismo sa ganon din kapasidad, baka naman ultimo sa paglangoy ay naka face mask pa rin? Huwag naman, snorcle naman dapat at oxygen, ganon pa man ay may mask pa rin di ba?
Abangan natin ang susunod na pagpu-pulong sa Hulyo 15 baka mas maganda at may sustansiya na ang sasambitin ng mga ito he… he… he…
The post Mga kuwento’t paliwanag ng mga czar, ‘di na maramdaman ‘di na maintindihan ng taumbayan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: