Facebook

Anomalya sa PPA, sisilipin!

NAGHAIN sa Kongreso si Oriental Mindoro, Representative, Alfonso Umali,Jr. V., ng isang panukala para siyasatin ang aniya ay maanomalyang transaksyon sa Philippine Port Authority (PPA) para sa pagpapatakbo ng mga ports, sea terminal at iba pang mga pasilidad sa ilang mga daungan sa bansa.

Hindi na marahil nakatiis ang 2nd District Congressman sa malawakang katiwaliang matagal nang nangyayari sa loob ng bakuran ni PPA General Managar Jay Daniel Santiago?

Pinangalanan ni Umali sa kanyang House Resolution (HR) 1822 ang mga Port of Puerto Princesa sa lalawigan ng Palawan, Ormoc sa Lalawigan ng Leyte, Tabaco, at Legaspi sa Bicol Region at Calapan City Port sa Oriental Mindoro.

Nagtataka lang ang inyong lingkod kung bakit hindi kasali ang Port of Batangas City sa sinisilip ng mabunying mambabatas gayong sangkaterba din ang mga iniuulat na anomalya sa daungang matatagpuan sa Brgy. Sta Clara, Batangas City na sakop ng probinsya ng Batangas.

Pagsisiwalat ni Umali ay may pinapaboran ang ilang matataas na opisyales ng PPA sa pagkakaloob ng kontrata sa isang “corporate entity” para siyang mamahala ng mga nabanggit na pasilidad sa mga nasabing puerto.

Bakit kaya hindi pa tumbukin ni Umali ang mga pangalan ng kompanya o mga kompanyang nais maghari-harian sa pagmamantine ng mga naturang ports?

Nakabase aniya sa Metro-Manila ang kompanyang nais magmonopolyo ng port operations sa mga nabanggit na daungan.

Kung tutuusin ani Umali ay napakalaki ng mawawala sa pamahalaan pagkat mapagkakalooban ng karapatan ang nasabing kompanya sa operasyon ng mga nabanggit na pier gayong maraming iba pang bidders ang may mataas na bid para makuha ang kontrata.

Hindi kukulangin sa Php 1.2 bilyon ang mawawala sa kaban ng bayan kapag nai-award na sa Metro-Manila based company ang kontrata para pamahalaan ang pagpapatakbo ng pasilidad sa mga naturang daungan.

“Kailangang masusing busisiin ng Committees on Good Governance, Public Accountability and Transportation ang new terminal leasing and management rules na tila nababalewala ng PPA, ani Umali.

Maging sina Oriental Mindoro, 1st District Representative Paulino Salvador “Doy” Leachon at mga miembro ng Sangguniang Panglungsod ng Calapan City ay nababahala sa kaganapang ito maging sa Port of Calapan City sa Oriental Mindoro, kaya ang mga ito ay nagkakaisang nanawagan kay Pangulong Rodrigo R. Duterte para masiyasat ang anila ay katiwalaan sa kanilang daungan.

Sa kalatas na ipinadala kay Pangulong Digong sinabi nina Umali, Leachon at mga miyembro ng konseho ng Calapan City na mawawalan din ng hanapbuhay ang may mahigit sa 11,000 Mindoreño na nagtatrabaho sa Port of Calapan City sakaling makontrol ng bagong kompanya ang pagpapatakbo ng Port of Calapan City.

Hindi nirenew ng PPA ang kontrata ng Calapan Labor Service Development Cooperative (Calsedeco), pagkat hinihinalang pinapaboran ng ilang PPA officials ang pagpasok ng bagong kompanya

Sa pakikipanayam ng inyong lingkod sa ilang opisyales at miyembro ng CALSEDECO sinabi ng mga itong walang kalaban-laban ang mga lokal na kontratista sa higanteng kompanya na nais na komontrol sa operasyon ng mga port facilities sa mga nasabing daungan.

“Malalim po ang kanilang access sa PPA at ang pagiging malapit nila sa ilang korap na PPA officals ay nagbibigay ng malaking bentahe sa kanila para makopo ang kontrata”, ang hinaing ng mga port workers.

May alam kaya sina Santiago at Oriental Mindoro PMO Leo Romero at iba pang PMO chiefs sa mga hinihinalang maanomalyang transaksyones na ito sa kanilang mga daungan?

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

The post Anomalya sa PPA, sisilipin! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Anomalya sa PPA, sisilipin! Anomalya sa PPA, sisilipin! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.