NANAWAGAN ang ina ng napaslang na Far Eastern University football player na si Kieth Absalon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tapusin na ang paghari-harian ng komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA) upang umiral na ang kapayapaan sa mga kanayunan lalo na sa kanilang bayan ng Masbate.
“Hinihiling ko sa ating Pangulo na sana po ay ipagpatuloy natin ang sama-sama,” na pakiki-paglaban sa CPP-NPA at tapusin na ang mga ito, upang makamtan aniya ang tunay na kapaypaan. Hinikayat rin niya ang mga Masbateño na huwag matakot at “ituro” ang mga kasapi ng teoristang-komunistang samahan sa kanilang lugar.
“Kailngan nating mag-kaisa simula ngayon. Magka-isa na tayo, huwag natin silang (NPA) itago. Iligal sila. Hindi sila tumutulong, pabigat sila sa bayan. Hinahasik nila ang maling katwiran nila. Walang layunin, walang naitutulong sa bayan. Salot sila!” ang turan ni Ginang Absalon.
Inilahad ng ginang ang kanyang saloobin bunga ng pag-ako ng NPA sa pangyayari at humingi pa ito ng kapatawaran sa kadahilanang nagkamali lamang ang kanilang mga tauhan na pasabugin ang Anti-Personel Mine (APM) na itinanim ng mga ito sa dinaanan nila Absalon sa Barangay Anas, Masbate noong linggo ng June 6,mhabang nagbibisikleta ang mga biktima.
Dagdag pa nya, na kung dati, ang mga Masbateño ay mga takot na ilabas ang kanilang mga nalalaman, sa ngayon daw ay handa na ang mga ito na “ma-express lalo na ang mga nasa mountain, ibibigay nila kung sino ang ituturo,” upang mahuli ang mga kasapi ng NPA sa kanilang probinsiya.
Matatandaang isang magsasakang Masbateño ang nakapagturo sa mga militar habang tinutugis ang mga NPA na may kagagawan ng pagpapasabog sa APM kung saan napatay ang tatlong terorista at narekober ang labing-dalawang matataas na kalibre ng mga baril.
Hinikayat din ng ginang ang lahat ng Filipino na “magsama-samang labanan ang kasamaan ng CPP-NPA na humihikayat din ng mga kabataan sa mga kanayunan upang gamiting sa kanilang armadon pakikipag-laban sa pamahalaan.
“Ipagpatuloy natin (ang laban sa (NPA). Magsimula ngayon, para na din sa alaala ni Kieth at para sa lahat ng Masbateño upang magkaroon ang bayan ng kapayapaan,” ang sabi ng ginang.
Mariing tinanggihan ng pamilya Absalon ang paghingi ng kapatawaran ng NPA sa pangyayari at mungkahi nitng magbibigay ng danyos habang iniimbestigahan pa raw nila ang mga sangkot na mga kasamahan na nagkamali sa pagpapasabog ng APM.
” Hindi it sapat! Husitsya ang aming kailangan. Ang pagso-sorry ay hindi hustisya. Napakadaling humingi ng sorry. Ang makamit ang hustisya ay hindi nagsisimula sa sorry. Sa totoo lang, gusto ko silang (NPA) mawala! Gusto kong matigil na ang kanilang kabuktutan at mga panggugulo!” paliwanag pa ni Ginang Absalon.
The post Ina ni Absalon nanawagan kay Pangulong Duterte – tapusin ang NPA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: