KAKAIBA ang inihain na petisyon ng mga kawani ng One Stop Shop Inter-agency Tex Credit and Duty Drawback Center (OSS-Center) sa Korte Suprema tungkol sa walang habas na pag-isyu sa Commission Audit (CoA) ng Notice of Disallowance (NDs) sa kanilang tanggapan. Kailangan linawin ng Korte Suprema kung hanggang saan ang poder ng CoA at mga tasador (auditor) na estado sa pagganap ng kanilang tungkulin sa ilalim ng Saligang Batas.
Dumating sa punto na binago ng CoA kung ano ang itinakda ng batas tungkol sa poder ng OSS-Center sa pagganap ng tungkulin – pagtanggap ng mga aplikasyon sa tax credit, pagrerepaso sa aplikasyon, at pag-apruba. Hindi ang batas ang nasusunod; dahil idineklara ng CoA na mali ang batas, ang gusto nga mga tasador ang nasusunod.
Sila ang batas. Kung ano ang sabihin ng mga tasador, walang magagawa ang mga opisyal at kawani ng anumang sangay ng gobyerno. Hindi maintindihan kung ano ang kapangyarihan ng CoA at hanggang dapat masunod ang Coa. “Audit legislation” ang nagyayari. Hindi malayo sa Kongreso ang Coa dahil idinedeklara mali ang batas at pinapalitan ang probisyon na hindi gusto ng mga tasador ng gobyerno.
Naiintindihan ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang audit legislation. Maski sa kanilang hanay, nangyayari ang judicial legislation kung saan ang Hudikatura ang Kongreso na nagtatakda ng bagong polisiya na dapat sundin ng bansa. Kabaligtaran ito ng judicial restraint kung saan pinipigilan ang Hudikatura na magmukhang Kongreso.
Hindi namin alam kung mayroon “audit restaint” kung saan kumakapit ang mga tasador ng gobyerno sa letra ng batas bilang batayan ng kanilang trabaho. Hindi malinaw sa amin kung ginagawa ng CoA ang audit restraint. Ngayon lang tinanong ang CoA ang lawak at lalim ng poder sa ilalim ng batas.
Nagsumite noong ika-3 ng Mayo, 2021, ng isang petisyon ang 21 kawani ng OSS-Center sa Korte Suprema tungkol sa mga tax credit certificate na ibinababa ng kaniang opisina. Hiningi nila sa Korte Suprema ng certiorari at writ of prohibition upang matigil ang walang tigil na pag-isyu ng CoA ng NDs sa kanilang opisina.
Nasa ilalim ng Department of Finance ang OSS-Center. Ito ang saangay na ang pangunahing trabaho ay tumanggap ng application para sa tax credit certificate (TCC), suriin, at aprubahan ang TCC. Refund ito ng gobyerno sa mga buwis at ibang gastos ng mga export firm. Bahagi ito ng programa upang pasiglahin ang export sector. Hindi ito ibinibigay ng cash, bagkus sa anyo ng TCC. Ginagamit ang mga TCC sa pagbabayad ng buwis at utang. Good as cash ang TCC.
Bilang isang constitutional office sa ilalim ng Saligang Batas, inatasan ito na tasahin (audit) kung tama o mali ang paggasta ng salapi ng sambayanan at kung maayos ang paggamit ng poder sa gobyerno. Sinasansala ng CoA ang walang kapararakan na paggasta ng salapi ng taong-bayan. Inilalagay sa wastong pang-unawa ng mga umuugit ng pamahalaan ang kanilang mga poder ayon sa prinsipyo ng pangingibabaw ng batas (rule of law).
Walang amor si Sonny Dominguez, kalihim ng DoF, sa opisinang ito. Una, hindi naniniwala si Dominguez na kailangan ang export sa istratehiya ng pag-lad ng bansa. Mas naniniwala siya sa import substitution, o ang istratehiya na bawasan ang pag-aangkat ng kalakal (import) at palitan ng mga gawa dito ang inaaangkat.
Hindi lubos ang tiwala at suporta ni Sonny Dominguez sa OSS-Center. Hindi trabaho nito na magdala ng dagdag na kita sa gobyerno. Palabas ang pera, hindi papasok. Ano ang mahihita sa isang opisina na hindi nakakatulong sa kanyang trabaho na maghanap ng kita para sa gobyerno na nahihirapan dahil sa matinding hagupit ng pandemya?
Panahon na upang linawin ng Korte Suprema ang poder ng CoA sapagkat lubha malaki ang poder ng opisinang ito sa ilalim ng Saligang Batas at batas na nagtatakda ng CoA. Nasa Korte Suprema ang bola. Mitikulong mahistrado si Leonen at hindi niya pababayaan na magpatuloy ang kawalang linaw sa batas.
***
Katapusan ngayon ng Hunyo. Saktong isang taon mula ngayon, susumpa ang bagong pangulo. Itinakda ng Saligang Batas ang anim na taon na termino ng isang nakaluklok na pangulo ng bansa. Hindi natin maramdaman ang sigla ng halalan na paparating.
Maingat ang marami. Marahil, dala ito ng pandemya kung saan ipinagbawal ng gobyerno ni Rodrigo Duterte ang anuman pagpupulong. Ngunit masigabo ang galawan sa ilalim. May mga nabubuong usapan at alyansa kung saan nagkakampihan ang mga lapian at grupong pulitikal na papalaot sa halan sa 2022.
Ngunit hindi ang oposisyon. Itinali ni Bise Presidente Leni Robredo ang oposisyon sa kanyang desisyon kung tatakbo o hindi sa panguluhan sa 2022. Hinawakan niya ang oposisyon sa bayag at hindi ito makagalaw dahil nakabatay ang anumang galaw nito sa kanyang desisyon. Hindi ito maganda para sa puwersang oposisyon.
Hindi si Leni Robredo ang sentro ng sansinuklob sa 2022. Hindi sa kanya nakabatay ang kapalaran ng oposisyon. Hindi ang Liberal Party ang magtatakda kung paano gagalaw ang oposisyon sa 2022. Isa ito sa maraming lapian at grupong pulitikal na kumakatawan sa hanay ng oposisyon. Maling kaisipan ang maniwala na ang Liberal Party ang oposisyon.
***
MGA PILING SALITA: “Every time a ‘smart’ person shares fake news, an idiot is born.” – Mike Logico, sundalo, netizen
“Don’t wonder if no past and incumbent presidents went to PNoy’s wake. They were not needed there. They were not a good fit.” – PL, netizen
“Indecisive persons are different from undecided guys on many issues. Indecisive guys lack the perspective, vision and cold rationality that go with every major decision in life. Undecided people are hesitant or anxious of the consequences, but it doesn’t mean they are indecisive.” – PL, netizen
***
Email:bootsfra@yahoo.com
The post Poder ng mga auditor appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: