Facebook

‘Kahit inuulan ng kritisismo, gobyerno nakapokus vs pandemya’ — Bong Go

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga Filipino na nanatiling nakapokus ang Duterte administration na malampasan ang COVID-19 pandemic upang mabigyan ng komportableng buhay ang lahat kahit gaya ng ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit inuulan ito ng puna at mga kritisismo.

Idiniin ni Go na habang nirerespeto ng gobyerno ang freedom of speech, sinabi niya na hindi dapat masiraaan ng loob ang mga opisyal ng pamahalaan sa harap ng mga kritisismo sa paggampan sa kanilang trabaho na pagsilbihan ang bansa para makabangon mula sa hirap na dulot ng COVID-19 pandemic at iba pang krisis.

Kaugnay nito, ipinaalala naman ni Go sa oposisyon na mag-alok ng konkretong solusyon at makipagtulungan sa pagsisikap ng pamahalaan na malabanan ang COVID-19 sa halip na batikusin si Pangulong Duterte.

“Alam n’yo sa totoo lang, malapit na pong matapos ang termino nilang dalawa, ni Pangulo at ng Pangalawang Pangulo. So far, wala naman po akong nakitang konkretong suhestiyon mula sa ating Bise Presidente,” ani Go matapos personal na pangunahan ang pagbubukas ng Malasakit Center sa Masbate Provincial Hospital sa Masbate City.

“Puro batikos pero wala namang binibigay na alternative workable solutions na makakatulong po sa ating bayan,” sabi ni Go patungkol kay Vice President Leni Robredo.

“Alam n’yo noong nakaraan, noong wala pang bakuna, binabatikos – nasaan daw ang bakuna? No’ng nandidiyan na ‘yung bakuna – bakit iyang bakuna ang dumating? Ngayon marami nang bakuna – sinasakyan naman,” idinagdag ng senador.

Noong Linggo ay binatikos ni Robredo ang aniya’y “fear-based” leadership ni Duterte. Tumutukoy ito sa hiling ni Duterte na armasan ang mga sibilyan para makatulong sa pamahalaan sa paglaban sa krimen.

Sa launching ng Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers noong June 26, sinabi ni Duterte na ang pag-aarmas sa volunteers ay makatutulong sa pagdakip sa mga kriminal.

“If he goes voluntarily with you, good, it is ideal. But if they resist arrest violently, then you have the right to do your thing [that is] commensurate. You are not supposed to kill a person lying, kneeling, begging for his life,” anang Pangulo.

Sa harap ng pandemya, sinabi ni Senator Go na ngayon ang tamang oras sa buong bansa na magtulungan, lalo ang mga lider, sa halip na pumuna.

“Alam n’yo, kanya-kanya naman tayong trabaho eh. Ang gustong makita ng Pilipino ngayon ang taong nagtatrabaho at nagseserbisyo.”

“Hindi po ito ang panahon ng pagbabatikos, hindi po ito ang panahon ng pagsisiraan. Ito po ang panahon ng pagtutulungan. Hindi po nakakatulong ang pagbabatikos,” ayon kay Go.

The post ‘Kahit inuulan ng kritisismo, gobyerno nakapokus vs pandemya’ — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Kahit inuulan ng kritisismo, gobyerno nakapokus vs pandemya’ — Bong Go ‘Kahit inuulan ng kritisismo, gobyerno nakapokus vs pandemya’ — Bong Go Reviewed by misfitgympal on Hunyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.