Facebook

Mga tulong ng administrasyong Duterte sa mga rebelde, ikonsidera – Sen. Go

HINIKAYAT ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga rebelde na ikonsidera ang mga ibinibigay na livelihood at iba pang magagandang programa ng gobyerno para magbalik-loob sa pamahalaan.

Sinabi ni Go na dapat tignan ng mga rebelde ang mga inaalok na tulong ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinawag niyang pinaka-sinserong makipag-usap sa kanila.

Ayon kay Go, tanging hangad nila ni Pangulong Duterte na mabigyan ng maayos na buhay ang mga kababayang Pilipino at makamit ang kapayapaan sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni Go na bilang isang Senador, isang public servant at isang Pilipino ay masakit sa loob niya na nakikitang nagpapatayan ang mga kapwa niya Pilipino.

Matatandaang bago pa maging Pangulo si Pangulong Duterte at bago maging senador si Go ay umaakyat sila sa bundok upang makipag-usap sa mga rebelde kung saan sila nagpakita ng sinserong pakikipagkaibigan. (Mylene Alfonso)

The post Mga tulong ng administrasyong Duterte sa mga rebelde, ikonsidera – Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga tulong ng administrasyong Duterte sa mga rebelde, ikonsidera – Sen. Go Mga tulong ng administrasyong Duterte sa mga rebelde, ikonsidera – Sen. Go Reviewed by misfitgympal on Hunyo 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.